ATM, suportado ang paninindigan ni Ka Leody laban sa pagmimina

SHARE THE TRUTH

 628 total views

Suportado ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang naging pahayag ni presidential candidate Ka Leody de Guzman hinggil sa usapin ng pagmimina sa bansa.

Ayon sa grupo, malinaw na inihayag ni de Guzman ang mga kinakailangan at dapat na isaalang-alang upang lubos na mapangalagaan ang mga pinakakaingatang yaman ng bansa.

Gayundin ang pagtataguyod sa kapakanan at karapatan ng mga katutubo na inaabuso at pinapaalis sa kanilang mga lupain upang maisakatuparan ng mga makapangyarihang korporasyon ang adhikain ng mapaminsalang pagmimina.

Giit pa ng ATM na katulad din ng mga plataporma ni de Guzman ang mga panukalang itinataguyod ng grupo tungo sa makatwirang industriya ng pagmimina at pag-unlad ng bansa.

“We express our thanks and solidarity with Ka Leody on his positions to protect the rights of affected communities, preserve our ecology and ensure genuine sustainable development for all Filipinos,” pahayag ng ATM.

Sa isinagawang Catholic E-Forum sa Radio Veritas, sinabi ni de Guzman na dapat na muling ipatupad ang mining moratorium upang ipagbawal ang operasyon ng pagmimina sa bansa.

Iminungkahi rin ng kandidato na bawiin at muling pag-aralan ang Mining Act of 1995 nang sa gayo’y maging angkop sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at hinaharap na suliranin ng kalikasan.

Abril 2021 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 130 na winakasan ang nine-year mining moratorium at nagpapahintulot sa pagsasagawa ng mining operations sa bansa para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya mula sa krisis dulot ng pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,030 total views

 79,030 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,034 total views

 90,034 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 97,839 total views

 97,839 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,123 total views

 111,123 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 122,732 total views

 122,732 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top