Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Calatagan Batangas, niyanig ng 6.2 magnitude na lindol

SHARE THE TRUTH

 2,879 total views

Nakikipag-ugnayan na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa mga parokyang saklaw ng arkidiyosesis kasunod ng 6.2 magnitude earthquake ngayong umaga.

Ayon kay LASAC program coordinator Paulo Ferrer, nakaantabay ang komisyon sa mga ulat ng pinsala sa Batangas kaugnay ng pagyanig.

“So far, mga students na masama ang pakiramdam dahil sa pagkahilo ang reports… Continuous ang coordination natin sa parishes as we expect aftershocks.” ayon kay Ferrer sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang 6.2 magnitude earthquake sa bahagi ng Calatagan, Batangas bandang alas-10:19 ngayong umaga. Ito ay may lalim na 130 kilometro at tectonic ang pinagmulan habang naramdaman naman ang Intensity IV sa Quezon City.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense Joint Information Center chief Diego Agustin Mariano na wala pang natatanggap na ulat ang ahensya ng malaking pinsala sanhi ng malakas na pagyanig habang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at maging handa sa posibleng aftershocks.

“As of now, no major damage or casualties as of reporting time, assessment still ongoing.” ayon kay Mariano.

Bukod sa lindol, binabantaya din ng Phivolcs ang kalagayan ng Bulkang Taal na kasalukuyang nasa Alert level 1 status.

Matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire o kilala rin bilang typhoon belt, na bahagi ng karagatang Pasipiko kung saan nagaganap ang karamihan sa mga paglindol at pagputok ng bulkan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 9,622 total views

 9,622 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 30,350 total views

 30,350 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 38,665 total views

 38,665 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 57,262 total views

 57,262 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 73,413 total views

 73,413 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 4,119 total views

 4,119 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 5,801 total views

 5,801 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 11,181 total views

 11,181 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 13,155 total views

 13,155 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top