CBCP nakikiisa sa mga biktima ng wildfire sa Hawaii

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,856 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga biktima ng wildfire sa Lahaina, Maui, Hawaii.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng komisyon, mahalaga ang pakikiisa ng mamamayan sa pananalangin para sa mga biktima ng malawakang sunog sa isla kung saan marami ring mga Pilipino ang naninirahan.

Ipinaliwanag ng Obispo na higit na kinakailangan ang mga panalangin para sa paghilom sa karanasang idinulot ng wildfire sa isla na tumupok sa maraming tahanan, establisyemento at mga ari-arian.

Bukod sa ikapapayapa ng kaluluwa ng mga nasawi ay ipinapanalangin din ni Bishop Santos ang katatagan at kalakasan ng loob ng mga residenteng nakaligtas upang muling makapagsimula sa kanilang buhay.

“It is very sad, tragic and devastating happening in Maui. Lives were most, edifices were destroyed and lots were were scorched. It is urgent time for prayers and occasions for charity and compassion. Let us turn to God all there, trust Him most and entrust everything, everyone to God. We pray for eternal rest for those who perished, and strength for those who are left behind.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang anumang tulong at mensahe ng pag-asa na maaring ipadala sa mga residente ng isla upang muling makabangon at mapaghilom mula sa naganap na sakuna.

Giit ni Bishop Santos, hindi dapat na pabayaan at ipagsawalang bahala ang kalagayan ng mga kapwa Pilipino sa ibang bansa.

“In our way and means let us help, give them hope and do what is possible for healing of our people, and healing of the land. My prayers and holy Masses for all.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Una ng nanawagan ng tulong at panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa mga biktima ng malawakang wildfires sa Lahaina, Maui, Hawaii.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) may tinatayang 25,000 ang bilang ng mga Filipino-Americans sa Maui na katumbas ng 17-porsyento ng populasyon sa isla.

Samantala kinumpirma na ng DFA na dalawang Pilipino na ang kabilang sa 115 naitalang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 3,057 total views

 3,057 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 31,062 total views

 31,062 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 48,862 total views

 48,862 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 48,749 total views

 48,749 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 161,263 total views

 161,263 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 14,876 total views

 14,876 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top