COMELEC, hinamong manindigan sa tapat at malinis na 2022 elections

SHARE THE TRUTH

 447 total views

Nagsagawa ng prayer rally ang grupo ng mga maralitang tagalungsod sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) upang ipanalangin ang paninindigan ng ahensya sa tapat at malinis ng national at local elections sa darating na May 9, 2022.

Pinangunahan ito ni running priest Rev. Fr. Robert Reyes kasama ang Urban Poor Associates (UPA) at iba pang urban poor groups.

Layunin ng isinagawang prayer rally na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon sa lahat ng mga kawani ng COMELEC at ipag-adya laban sa anumang uri ng tukso na makaapekto sa katapatan at karangalan ng nakatakdang halalan.

Ipinagdarasal ni Fr.Reyes na mapuno ng katapatan, katotohanan at dalisay na intensyon ang puso ng bawat kawani ng COMELEC sa pangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“To fill all Comelec commissioners and its staff with pure intentions, truth, and honesty. Please use us, the people, to guard the Comelec, this very sacred branch of the government that is expected to defend and preserve the ballots and the election process from voting in the precincts to counting votes,” panalangin ni Fr. Reyes.

Ibinahagi ni Fr. Reyes na ang prayer rally ay bilang tugon sa liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na nananawagan sa bawat isa na manindigan sa pagsusulong ng katapatan at katotohanan sa nakatakdang halalan.

Tiwala naman ang Pari sa paninindigan, integridad at kredibilidad ng COMELEC na mapagtatagumpayan ang anumang uri ng tukso na dulot ng kasamaan.

Umaasa naman si Fr. Reyes na maging aktibo ang binuong inter-agency task force against vote-buying ng COMELEC upang ganap na masugpo ang talamak na vote-buying at vote-selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

“Our prayer rally affirms the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) pastoral letter for May 9 polls. The Church encourages us not to give up on our search and defense for truth. We believe that the Comelec will persevere in overcoming evil by goodness. We hope that the Comelec’s inter-agency task force against vote-buying will serve the common good,” dagdag pa ni Fr. Reyes.

Paliwanag ng Pari, kinakailangang maging mapagbantay ng bawat isa upang matiyak ang katapatan, kalinisan at katotohanan ng halalan na magtatakda sa kinabukasan ng bansa.

Batay sa Republic Act No. 7-1-6-6, mandato ng Commission on Election (COMELEC) ang pagtiyak sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan, dayaan at karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,893 total views

 81,893 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,897 total views

 92,897 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,702 total views

 100,702 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,891 total views

 113,891 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,265 total views

 125,265 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,640 total views

 7,640 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top