Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Balanga, nagpaabot ng pakikiisa at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bishop Ocampo

SHARE THE TRUTH

 2,758 total views

Nakiisa ang Diocese of Balanga sa pagdadalamhati ng Diocese of Gumaca kasunod ng pagpanaw ni Bishop Victor Ocampo.

Inilarawan ni Bishop Ruperto Santos na regalo ng Bataan si Bishop Ocampo sa mananampalataya ng Gumaca Quezon.

“It is a very sad news for us all. The loss of the Diocese of Gumaca is also our lost. He is our gift to them. We share in the grief and bereavement of the lay faithful of the Diocese of Gumaca,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Gumaca Chancellor Fr. Tony Ryan del Moro inatake sa puso ang obispo at tuluyang pumanaw ganap na alas 5:58 ng hapon, March 16, kasabay ng ika – 71 kaarawan ng obispo.

Pinarangalan ni Bishop Santos ang namayapang obispo ng Gumaca dahil sa masigasig na pagmimisyong patnubayan ang kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

“In Bishop Vic we see and experience the goodness of God. He is truly a good Shepherd to here and there. He lives his life for his people,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi ni Bishop Santos na nakatakdang magsagawa ng pilgrimage sa Bataan ang mananampalataya ng Gumaca sa pangunguna ni Bishop Ocampo sa March 20 bilang paghahanda sa mga Mahal na Araw.

Ipinanganak si Bishop Ocampo noong March 16, 1952 at naordinahang pari November 5, 1977.

Hinirang na ikatlong obispo ng Diocese of Gumaca noong June 12, 2015 at ginawaran ng episcopal ordination noong August 29 sa parehong taon sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa mahigit apat na dekadang pagiging pari at pitong taong obispo ay lubos na itinalaga ni Bishop Ocampo ang sarili sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus lalo na ang pagkalinga sa mga higit nangangailangang sektor ng pamayanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 7,162 total views

 7,162 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 27,890 total views

 27,890 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 36,205 total views

 36,205 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 54,854 total views

 54,854 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 71,005 total views

 71,005 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 3,143 total views

 3,143 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top