Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Economic relations ng Amerika at Pilipinas, pinagtibay sa pagbisita ni VP Harris

SHARE THE TRUTH

 1,462 total views

Ang pagbisita ni United States of America Vice-president Kamala Harris ay hudyat ng matibay na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang inaasahan ni Astro Del Castillo – senior economic advisor ng Radio Veritas at Managing Director ng First Grade financing Corporation sa tatlong araw na pagbisita ng opisyal sa Pilipinas.

“Tingin natin positibo talaga yung pagbisita, number one natutuwa tayo at narerecognize ulit tayo ng mga ibang bansa lalo na ng America sa ating kakayahan at sa ating relasyon so it goes, it brings us back to the radar of one of our largest biggest trading partner which is the United States.”pahayag ni del Castillo

Tiwala din si Del Castillo na ang pagbisita ay higit pang patitibayin ang sektor ng produksyon ng finished products at ibat-ibang raw materials na inaangkat ng Pilipinas sa Amerika.

“Alam mo naman karamihan ng mga ineexport natin ay raw materials sana maging partner natin sila sa pagtulong ng finish products naman ng maibebenta natin given their technology and capital.”paglilinaw ni del Castillo

Batay sa datos ng World Bank – World Integrated Trade Solution, nangunguna ang bansang Japan na sinusundan ng Estados Unidos, China, Hong Kong at Singapore bilang limang pangunahing bansa na top trading partners ng Pilipinas.

Isinusulong ng Economy of Francesco ang paglago ng ekonomiya kasama ang mamamayan at pangangalaga sa kalikasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,961 total views

 2,961 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,412 total views

 36,412 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,029 total views

 57,029 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,698 total views

 68,698 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,531 total views

 89,531 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top