Gobyerno, nanawagan ng pakikipagtulungan sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total views

Nanawagan ng partnership o pakikipagtulungan sa Simbahan ang pamahalaan upang maisaayos at mapaunlad ang buhay ng bawat Filipino.

Aminado si Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na sa kabila ng “separation of Church and State” ay hindi maaring alisin ang mabuti at mahalagang papel na ginagampanan ng Simbahan upang mapagkaisa ang sambayanang Pilipino.

Gayunman, umaapela ang Kalihim sa Simbahan na iwasan ang hayagang pagsasapubliko ng mga pamumuna nito sa pamahalaan sapagkat magkaiba ang saklaw ng dalawang institusyon sa lipunan.

“They should not publicly declare their moral views as against the political thrust of the government because the political thrust of the government is separate and distinct from the affairs of the church. We have what is known as the Separation Of Church And State, so it is in this respect that I’m calling for a partnership between government, our leaders and the church to make sure that our efforts are moving forward in terms of making our people act as one, act proudly as a nation, act proudly under one flag for the purpose of achieving our objectives for the advancement of everyone…”pahayag ni Yasay sa panayam sa Radio Veritas.

Giit pa ng Kalihim, mahalaga ang ginagampanang papel ng Simbahan upang positibong maimpluwensyahan ang mga lider ng pamahalaan na gawin ang naaangkop at nararapat para sa bayan lalo na’t malaking bilang ng mga Filipino ay mga Katoliko’t Kristyano na nangunguna sa Gitnang Silangang Asya.

“Palagay ko naman siguro, the church can play a very positive influence on our President and our leaders in government to make sure na we all act as one people for the good of our people because that is precisely yung tinatawag nating our nation as the only Christian nation here in Asia…”pahayag ni Yasay.

Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang bawat Kristyano ay kinakailangang makisangkot sa mga usaping panlipunan maging pampulitika dahil sa malaking epekto nito sa lipunan at sa kabuuang kinabukasan ng buong bayan.

Sa tala ng Vatican umaabot na sa 1.2 bilyon ang bilang ng mga Katoliko sa buong mundo, kung saan 40 porsyento nito ang nasa Latin America habang batay naman sa tala ng National Statistics Office noong 2010, mayroong higit sa 74 na milyon ang mga Katoliko sa bansa na katumbas ng 80.6 na porsiyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 104,207 total views

 104,207 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 228,618 total views

 228,618 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 268,983 total views

 268,983 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 343,306 total views

 343,306 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 8,385 total views

 8,385 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top