Human dignity, nararapat pangalagaan at protektahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,289 total reads

Binigyang diin ng Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) na hindi kailanman mawawala ang likas na dangal ng isang indibidwal sa kabila ng anumang pagkakasalang nagawa sa buhay.

Ito ang ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng komisyon kaugnay sa paggunita ng ika-17 na anibersaryo ng paglagda sa Republic Act (RA) 9346 o ang batas na nagbabawal sa parusang kamatayan sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, ang bawat nilalang ay biniyayaan ng Panginoon ng likas na dangal na hindi basta mawawala at hindi dapat na ipagsawalang bahala.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na nagmula mismo sa Santo Papa Francisco ang panawagan na kumilos ang lahat upang mawakasan na ang parusang kamatayan sa iba’t-ibang bansa sa buong daigdig at matiyak ang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay maging ng mga nakasala sa lipunan.

“May likas na dangal ang tao na hindi mawawala kahit pa siya gumawa ng masama, that inherent dignity of the human person sabi [ni Pope Francis] is not only because it is a gift of God given to the human person but it gives him the reason to have place here on earth, kasi kung gumawa ng masama yung taong yan at alam ng Diyos na gagawin niya ito, bakit pa niya lalanlangin na alam niyang magiging makakasira na ito sa daigdig itong kriminal na ito, but He allows the person to live.” Ang bahagi ng pahayag ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Tinuran ng Obispo na tularan ng bawat isa ang pambihirang pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan na sa kabila ng pagiging makasalanan ay buong pusong ini-alay ang kanyang bugtong na anak na si Hesus upang iligtas ang lahat mula sa kasalanan.

“He took upon Himself the violence of humanity so that pagbalik niya pagmamahal talaga, pagmamahal ang ipadama niya para tayo din matutong magmahal. But unless we recognized that as dahil meron tayong likas na dangal mahirap talagang magmahal, laging may kondisyon. We will only love those who are good to us, those who are doing good to others pero yung gumawa ng masama hindi na natin mamahalin, hahatulan, ipapapatay kung kailangan.” Dagdag ni Bishop Baylon.

Bilang paggunita sa ika-17 na anibersaryo ng paglagda sa Republic Act (RA) 9346 o ang batas na nagbabawal sa parusang kamatayan sa Pilipinas ay isang talakayan ang inorganisa ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care katuwang ang Coalition Against Death Penalty, Commission on Human Rights, Anti-Death Penalty Asia Network kung saan tinalakay ang kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang batas na nagbubuwag ng Death Penalty sa bansa kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang parusang kamatayan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,131 total reads

 44,131 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 155,998 total reads

 155,998 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,368 total reads

 241,368 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,106 total reads

 288,106 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 335,974 total reads

 335,974 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,101 total reads

 432,101 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top