Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipanalangin ang Italya laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng naitatalang nahawaan ng Corona Virus Disease o COVID 19 na umabot na sa tatlong libo katao habang 107 na ang nasawi.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at coordinator ng Pastoral Care of the Overseas Filipino Community sa Italya, ilang simbahan na rin sa hilagang bahagi ng Italya ang nagkansela ng mga misa bilang pag-iingat.

“Patuloy lang po ang ating dasal para sa mga kaparian at mga OFW dito na sana walang matamaan ng virus. ‘Yan ang ipinagdarasal natin, at ingat-ingat din naman kami dito,” ayon kay Fr. Gaston.

Nagpalabas na rin ng panuntunan ang Pontificio Collegio Filipino bilang bahagi ng pag-iingat laban sa virus.

Read: Pontificio Collegio Filipino Safety Measures against COVID-19

Ang collegio ay ang official residence ng mga paring Filipino na nag-aaral sa Roma at tahanan din sa mga opisyal ng simbahan na bumibisita sa Italya.

Sa kasalukuyan ay may 40 mga pari ang naninirahan sa collegio.

Dagdag pa ni Fr. Gaston, kinansela rin ng dapat sana’y recollection na pangungunahan ng kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ na nakatakda sana sa ika-15 ng Marso.

“May recollection sana with Cardinal Tagle, marami na nagsign-up all over Italy kaso gawa nga ng cancel ang mga school sabi naming out of respect sa Italian government i-cancel na rin muna namin,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Italya ang suspensyon ng mga klase sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Italya ang bansa sa Europa na may pinakamaraming bilang ng naitalang nagpositibo sa COVID 19 sunod sa China kung saan nagsimula ang epidemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 26,472 total views

 26,472 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,140 total views

 35,140 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 43,320 total views

 43,320 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,031 total views

 39,031 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,081 total views

 51,081 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top