2,969 total views
Ituring ang mga paaralan na ikalawang tahanan upang maging mas masigla at higit na mapahalagahan ang pag-aaral.
Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mag-aaral sa buong bansa sa opisyal na pagsisimula ng klase para sa school year 2023-2024.
Ayon sa Obispo, nawa ay palaging alalahanin ng mga estudyante ang sakripisyo ng kanilang magulang upang sila ay magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.
“Our dear students always remember the sacrifices and services of your parents as they work hard to send to your schools. Be grateful to them and appreciate always the dedication of your hardworking teachers who are always there for you to give you their time and talents.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Hinimok ng Obispo ang mga mag-aaral na ugaliin ang pagiging mabuti sa kapwa kung saan ituring ang mga kaklase bilang kapatid.
Ipinagdarasal ni Bishop Santos na magkaroon ng katatagan ang mga kabataan na palaging piliin ang tama upang makapagbigay ng parangal sa mga magulang sa pamamagitan ng pagiging honor students at mabuting ka-klase at ehemplo sa mga guro at kawani ng paaralan.
“Take your schools as your second home, your teachers as second parents and your classmates as your brothers and sisters. So, be helpful and cooperative. Be responsible and respectful. Be patience and persevering in your studies. Make it your vision to bring honours to your parents, to your school. And someday you will walk on that stage to receive your certificates, your medals, your Diplomas.” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.
Sa tala ng Department of Education, sa pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan noong August 29 ay umabot sa 28-milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll na sa parehong pampubliko at pribadong paaralan