Kamay na bakal sa early campaigning ng mga kandidato, dapat ipatupad ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 394 total views

Ang diwa ng batas ang dapat na mangibabaw at sundin ng mamamayan.

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa usapin ng paglabag sa batas ng maagang pangangampanya bagamat wala pang mga opisyal na kandidato at hindi pa nagsisimula ang campaign period para sa May 2022 elections.

Ayon sa Obispo na isa rin sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitutions, ang diwa ng batas ang dapat na mangibabaw at isabuhay ng bawat isa sa halip na hanapan ito ng butas upang maisakatuparan ang mga pansariling interes.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na ang diwa ng batas ay ang pagtatakda ng partikular na panahon sa pangangampanya.

“Yan ang sinasabi ko ano bang iniisip lang natin yung letter lang ng batas o ang diwa ng batas? At ang diwa ng batas ay una asikasuhin muna ang trabaho habang hindi pa election time, asikasuhin para focus na focus. Ikalawa dapat walang lamangan, may mga taong nasa poder. Huwag muna ninyong intindihin ang eleksyon, ibig sabihin ay asikasuhin ninyo ang inyong trabaho at ikalawa walang lamangan pantay pantay ang laban…”pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.



Iginiit ng Obispo na ang diwa ng batas ay upang magkaroon ng naaangkop na panahon ang mga kandidato upang mangampanya at ang mga botante upang masuri ang kanilang desisyon para sa nakatakdang halalan.

Unang binigyang diin ni Bishop Bacani na ng pagmamalasakit sa bayan ay hindi lamang nangangahulugan ng pakikibahagi sa pagsugpo ng katiwalian at kurapsyon kundi maging sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng mga karapat-dapat na lider na mamumuno sa bayan.

Sinabi ng Obispo na dapat na ituring na salamin ang mga ginagawang paglabag ng mga kandidato sa mga panuntunan ng pangangampanya sa halalan.

Matatandaang nilinaw ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na hindi pa maituturing na paglabag sa premature campaigning ang pagkakabit ng mga election paraphernalia sapagkat wala pang mga opisyal na listahan ng mga kandidato para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Nasasaad sa Section 13 ng Republic Act 9369 na maituturing lamang na isang opisyal na kandidato ang isang indibidwal matapos na mag-file ng certificate of candidacy at magsimula ang campaign period sa February 8, 2022 na batay sa calendar of activities ng COMELEC para sa May 2022 elections.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,770 total views

 24,770 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,775 total views

 35,775 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,580 total views

 43,580 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,143 total views

 60,143 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,885 total views

 75,885 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 548 total views

 548 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 5,532 total views

 5,532 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top