Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kinukuwestiyong ordinasyon ng isang Vietnamese Priest, iniimbestigahan ng Diocese of Maasin

SHARE THE TRUTH

 4,845 total views

Tiniyak ng Diocese of Maasin ang masusing imbestigasyon hinggil sa ordinasyon ni Vietnamese priest Fr. John Baptist Ho Huu Hoa na hindi kinilala sa Vietnam.

Ito ang tugon ni Bishop Precioso Cantillas makaraang itinanggi ni Diocese of Vinh Bishop Alfonse Nguyen Huu Long ang ordinasyon ng pari.

Ayon sa ulat inusisa ng mananampalataya ng Vietnam kung karapatdapat ang pari sa paglilingkod sa simbahan lalo’t nakulong ito dahil sa kasong bribery noong 2019.

Sa pahayag ni Bishop Cantillas gumawa na ng hakbang ang diyosesis para mabigyang linaw ang usapin.

“The current stir regarding this matter is truly unfortunate and upsetting. We are now taking the necessary steps and procedures which will hopefully aid all concerned to be enlightened, and so issues will be clarified. We entrust the situation to proper authority to decide on the veracity of the documents forwarded to our Office,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cantillas.

Sinabi ng obispo na inordinahang Deacon ang Vietnamese priest noong September 8, 2022 at sa pagkapari naman nitong December 7, 2022 makaraang makapagsumite ng mga dokumento tulad ng Dimissorial Letter na nilagdaan ni Bishop Long.

Paliwanag ng obispo nakapagsumite rin ng letters of endorsement and recommendation, certifications and credentials na mula kay Bishop Paul Nguyen Thai Hop ang Bishop Emeritus ng Diocese of Ha Tinh at Diocese of Vinh.

Ilang pari ng Vietnam ang nabahala sa ordinasyon ni Fr. Hoa lalo’t hindi tiyak na dumaan ito sa wastong proseso at pagsasanay bilang pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 27,034 total views

 27,034 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,702 total views

 35,702 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 43,882 total views

 43,882 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,590 total views

 39,590 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,640 total views

 51,640 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,793 total views

 6,793 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,400 total views

 12,400 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,555 total views

 17,555 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top