Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magparehistro at mag-ingat sa virus, paalaala ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

 434 total views

Pinapaalalahanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga magpapatala sa voter’s registration ng Commission on Elections (COMELEC) na sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon kay PPCRV executive director Maria Isabel Buenaobra, dapat matiyak ang kaligtasan ng publiko mula sa virus gayundin ang pagtupad sa tungkulin bilang mamamayan na makaboto sa susunod na halalan na magsisimula sa pagpapatala.

Pagbabahagi ni Buenaobra bukod sa pagsusuot ng mga facemask, face shield at pagsunod sa social distancing ay pinapayuhan rin ang lahat na mga magpaparehistro na magdala ng kani-kanilang ballpen na panulat sa mga kakailanganing lagdaan na dokumento. “Para maiwasan po natin ang mga infection, may alcohol naman na maibibigay ang COMELEC pagpasok at magkakaroon ng dis-infection so dapat mag-sanitizer sila o kaya alcohol para pagpasok nila sa COMELEC office ay siguradong hindi sila magiging infected,” ang bahagi ng pahayag ni Buenaobra sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ni Buenaobra, bagamat pinapayuhan ang mga magpaparehistro na maagang punan ang mga kinakailangang impormasyon sa mga dokumento ay dapat naman itong lagdaan sa harapan mismo ng mga opisyal ng COMELEC upang matiyak ang katauhan ng mga magpaparehistro bago gawin ang pagkuha ng biometrics.

Una ng tiniyak ng COMELEC pagpapatupad ng mga minimum health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kung saan mayroong inilalaan ang mga local COMELEC offices ng “designated disinfection day” upang malinis ang mga pasilidad kung saan ginagawa ang voter’s registration.

Sa pinakahuling datos ng COMELEC noong ika-14 ng Enero, umaabot pa lamang sa 1,117,528 ang bilang ng mga naitalang voter applicants mula sa target ng komisyon na 4-milyong registrants.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,022 total views

 47,022 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,110 total views

 63,110 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,505 total views

 100,505 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,456 total views

 111,456 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 18,538 total views

 18,538 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top