Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magtiwala sa Diyos sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

 295 total views

Higit na magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga bantang kinakaharap sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Reverend Father Arlo Yap sa pagninilay sa misang ginanap sa Radio Veritas Chapel nitong Huwebes, ika-12 ng Marso.

Ayon sa pari nawa’y matutuhan ng bawat mamamayan ang pakikinig at pagsunod sa mga payo na ibinibigay ng mga eksperto hinggil sa corona virus disease 2019 (COVID 19) dahil marahil ito ang paraan ng Diyos upang maiadya ang sangkatauhan sa pagkahawa ng nasabing sakit.

“Walang pinakamagandang gawin bilang tiwala sa Diyos; pakinggan natin ang sinasabi ng mga taong may kredibilidad,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Yap.

Unang pinagtuunan ng pansin ni Fr. Yap ang payo na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng 70% alcohol hand sanitizer at maging ang pagsunod sa mga panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga mananampalataya.

Ibinahagi ng pari na mas pinalalalim sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa buong mundo ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos na marahil sinusubok lamang ng Panginoon ang puso ng bawat tao kaya’t mahalagang manatiling nakakapit sa Kanya.

“Kung tayo’y may inaasahan sa Diyos, don’t give up your faith,” dagdag pa ng pari.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health nasa 49 na ang nagpositibo ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan dalawa na ang nasawi dahil sa komplikasyon habang higit sa 700 naman ang patuloy na inoobserbahan.

Giit ni Fr. Yap na maaring nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga eksperto na maaring makatulong sa bawat isa upang makaligtas sa pagkahawa ng virus.

“Posibleng ang mga warning na ibinibigay ng mga eksperto ay boses ng Diyos,” ayon pa kay Fr. Yap.

Patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika sa mamamayan na manatiling alerto at sundin ang payo ng mga kinauukulan at higit ipinalangin sa Diyos ang kaligtasan ng sambayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 27,238 total views

 27,238 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,906 total views

 35,906 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 44,086 total views

 44,086 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,790 total views

 39,790 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,840 total views

 51,840 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,811 total views

 6,811 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,418 total views

 12,418 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,573 total views

 17,573 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top