Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maigsing curfew hours para sa tradisyunal na Misa de Gallo at Simbang gabi, pinayagan ng LGUs

SHARE THE TRUTH

 723 total views

Nagagalak at nagpasalamat ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pasya ng mga alkalde ng Metro Manila na ibaba ang oras ng curfew upang bigyang daan ang tradisyunal na misa de gallo at Simbang gabi.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ito rin ay resulta sa pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa LGUs partikular sa Manila.

“Natutuwa tayo for this consideration. Bahagi na ito ng pinag-uusapan namin ni Yorme [Mayor Isko Domagoso] a month ago,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batay sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na gawing alas-dose hanggang alas-tres ng madaling araw ang curfew hours.

Ito ay upang bigyang daan ang mananampalataya na makadalo sa Simbang Gabi at Misa de Gallo, ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

Ipatutupad ang revised curfew hours sa unang araw ng Disyembre batay na rin sa napagkasunduan.

Naunang nagpasa ng ordinansa ang lungsod ng Maynila noong Oktubre na hanggang alas tres ng umaga na lamang ang curfew bilang tugon sa kahilingan ng simbahan.

Ipinag-utos na rin ng arkidiyosesis sa mga nasasakupang simbahan na magdagdag ng oras ng mga misa sa simbang gabi at misa de gallo upang mabigyang pagkakataon ang iba pang mananampalataya na makadalo ng banal na misa.

Sa kasalukuyan ay nasa 30 porsyento pa rin ang pinapayagang makadadalo sa mga pagtitipon sa simbahan alinsunod sa panuntunan ng general community quarantine.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,833 total views

 28,833 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,501 total views

 37,501 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,681 total views

 45,681 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 41,367 total views

 41,367 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 53,417 total views

 53,417 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,948 total views

 6,948 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,555 total views

 12,555 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,710 total views

 17,710 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top