Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malacanang, tiniyak na hindi pinaalis ang mga Obispo at Pari sa turnover ng Balangiga bells

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Tiniyak ng Malacañang na hindi ipag-uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin ang mga kinatawan ng simbahan sa ginanap na turn over ceremony ng Balangiga Bells sa Eastern Samar.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson, bagama’t wala pang resulta ang ginawang imbestigasyon hinggil sa akusasyon ay maliwanag ang ‘video footages’ na lumapit pa ang pangulo sa mga opisyal ng simbahan.

“Wala pang report. Yung ganung pangyayari hindi iuutos at hindi kailanman inutos ng Panginoon. Dahil labag sa etika yan,” ayon kay Secretary Panelo sa panayam ng Radio Veritas.

Unang kumalat sa social media ang sinasabing pagtataboy sa mga pari at Obispo ng Diocese of Borongan maging si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ng Presidential Management Staff.

“Nakita naman natin ‘yung sa video na mga pari naman nilapitan at kinamayan siya. Inacknowledge pa ang presensya nila sa event,” ayon pa kay Panelo.

Iginiit ni Panelo na hindi ito inutos ng Pangulo dahil labag ito sa etika bukod pa rito ang pagkilala ng Pangulo sa mga opisyal ng simbahan sa kaniyang talumpati.

Ika-15 ng Disyembre ng pormal nang i-turn over ng Gobyerno at kinatawan ng Estados Unidos ang Balangiga Bells sa mga kinatawan ng simbahan.

Isang misa ng pasasalamat din ang ginanap sa St. Lawrence Parish sa pangunguan ni dating Borongan Bishop Leonardo Medroso kasama ang ilang pang mga Obispo na dumalo sa pagdiriwang.

Ang makasaysayang kampana ay dinala ng mga sundalong Amerikano noong 1901 bilang tropeyo sa pagwawagi sa digmaan laban sa mga nag-aklas na mga Filipino.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakasauli sa bansa ng makasaysayang Balangiga Bells na isang pagpapatunay ng paghihilom at pagkakasundo sa pagitan ng dalawang bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,691 total views

 5,691 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,791 total views

 13,791 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,758 total views

 31,758 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,123 total views

 61,123 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,700 total views

 81,700 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 29,737 total views

 29,737 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top