10 total views
Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa ibayong dagat.
Sa mensahe ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon para sa Araw ng Paggawa sa Mayo a-uno kung kailan ginugunita rin ng Simbahang Katolika ang Kapistahan ni San Jose Manggagawa ay binigyang pagkilala ng grupo ang pagsusumikap ng mga manggagawang Pilipino na maghanapbuhay upang mabigyang ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.
Ayon grupo, mahalagang kilalanin at bigyang dignidad ang pagsusumikap ng mga manggagawa na malaki rin ang naitutulong sa pangkabuuang estado ng ekonomiya ng bansa.
“As we gather to celebrate the feast of St. Joseph the Worker on May 1, 2025, during this Jubilee Year themed “Pilgrims of Hope,” we take a moment to honor all Filipino workers both at home and abroad, who are striving to support their families and create better lives. This day dedicated to workers emphasizes the dignity of labor and the resilience displayed by countless individuals facing life’s challenges.” Bahagi ng pahayag ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT).
Bilang suporta at pakikiisa ay tiniyak ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang pananalangin para sa kapakanan at tuwinang kaligtasan ng mga manggagawa gayundin ang pagsusulong sa nararapat na benepisyo ng mga manggagawa tulad ng naaangkop na fair living wage, ligtas na working environment, at iba pang benepisyo na katumbas ng kanilang paggawa.
“In a nation beset by stark economic disparities that often obscure the value and support labor deserves, we stand with you in solidarity and prayer. We promise our steadfast support and pastoral accompaniment as you carry out your responsibilities with dignity and determination. The Churches in the country, as communities of faith, continue to stand by you, advocating collectively for fair living wages, safe working environments, and the overall welfare of all workers.” Dagdag pa ng CLCFNT.
Inihayag rin ng grupo ang suporta nito sa pagsusulong na mapagtibay ang mahalagang ambag o kontribusyon sa lipunan ng mga manggawang Pilipino hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.
Nawa ayon sa Church Leaders Council for National Transformation ay magsilbing daan rin ang paggunita ngayong taon ng Taon ng Jubileo na may temang “Pilgrims of Hope,” upang ganap na mabigyang pag-asa ang mga manggagawa sa pagkakaroon ng pagbabago na makapagdudulot ng pag-unlad sa buhay ng bawat isa sa lipunan.
“We are dedicated to accompanying you as fellow Pilgrims of Hope, affirming your essential contributions to society, and encouraging all to acknowledge the inherent dignity in each worker. May this Jubilee Year be a testament to our collective efforts, leading to meaningful change and renewed hope.” Ayon pa sa CLCFNT.
Pinagdiriwang din ng Simbahan ang Labor Day sa pamamagitan ng paggunita kay San Jose Manggagawa, lingkod ng Diyos na kanyang inatasan ng isang napakahalagang gawain, hindi lamang ang pagkakarpentero kundi ang gawain na maging tagapag-alaga ng anak ng Diyos.
Sa social doctrine of the church, karapatan ng bawat manggagawa ang pagkalooban sila ng tamang sahod at benepisyo at hindi dapat samantalahin ang kanilang kahinaang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang manggagawa at bilang isang tao.