Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga simbahan, hinimok na magsagawa ng 2nd collection para sa Alay Kapwa

SHARE THE TRUTH

 11,521 total views

Hinikayat ng social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang lahat ng diyosesis at parokya sa buong bansa na magsagawa ng second collection sa mga misa sa Linggo ng Palaspas bilang pagdiriwang ng Alay Kapwa Sunday.

Ipagdiriwang sa darating na April 13, 2025, ang ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa Sunday na sinimulan noong 1975 at taunang ginugunita tuwing Linggo ng Palaspas–hudyat ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw.

Ayon sa Caritas Philippines, higit pa sa pangangalap ng pondo, ang Alay Kapwa ay isang konkretong paraan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga gawa ng pagmamahal at malasakit para sa mga higit na nangangailangan.

“For five decades, our solidarity through the Alay Kapwa Program has become a cornerstone of the social action ministry across all 86 arch/dioceses and supported countless humanitarian programs, initiatives promoting sustainable development, and advocacy efforts focused on human rights, good governance and environmental protection,” pahayag ng Caritas Philippines.

Ngayong taon, ang malilikom na pondo ay ilalaan hindi lamang para sa social action programs, kundi para rin sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Myanmar at sa mga apektado ng pagliligalig ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Tema ng Alay Kapwa ngayong taon ang “Kapwa Ko, Pananagutan Ko: Limampung Taon ng Pag-asa”, na tumutugma sa diwa ng pagdiriwang sa Taon ng Jubileo ng Pag-asa.

“We continue to bring the message of hope and solidarity among our brothers and sisters in need, especially in San Carlos and Myanmar,” saad ng Caritas Philippines.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 20,894 total views

 20,894 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 29,209 total views

 29,209 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 47,941 total views

 47,941 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 64,102 total views

 64,102 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 65,366 total views

 65,366 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 3,381 total views

 3,381 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 5,221 total views

 5,221 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 10,489 total views

 10,489 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 12,544 total views

 12,544 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top