Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan

SHARE THE TRUTH

 721 total views

Hinikaya’t ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na magsisi at magbalik loob sa Panginoon sa kanilang pagtanggap ng ‘abo’ na tanda ng kababaang loob.

Paliwanag ni Bishop Pabillo ang abo ay tanda ng pagtanggap ng pagiging makasalanan at ng pagpapakumba sa Panginoon.

“Kung tatanggap lamang tayo ng abo na hindi naman tayo nagpapakumbaba hindi naman tayo nagsisi, pagkukunwari ang ating ginagawa. At alam ko, ngayong pandemic may mga kasama tayo ngayon na nakikinig sa atin na hindi makakatanggap ng abo kasi di naman kayo makakalabas hindi makapupunta sa simbahan. Pero kung tayo ay nagsisi, kung tayo ay nagpapakumbaba para na ring tumanggap tayo ng abo. Ang mahalaga ay ang tinatanda niya, hindi lamang ‘yung tanda,” bahagi ng homiliya ni Bishop Pabillo.

Panawagan din ng obispo sa mga hindi makatatanggap ng ‘tanda’ dahil na rin sa limitasyon dulot ng patuloy na banta ng pandemya na magsisi, magpakumbaba at talikdan ang kasalanan.

“Tandaan po natin ang abo na tinatanggap natin ‘yan po ay panlabas na tanda lamang na sumasagisag ng ‘attitude’ at dalawang attitude ang tinatanda ng abo, una ang attitude ng pagpapakumbaba kaya isang formula na sinasabi habang nilalagyan tayo ng abo sa ating ulo ay tandaan mo tao ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kalakip din ng pagtanggap ng tanda ang hamon sa bawat isa tungo sa pagsisi, pagpapanibago at pagtupad sa gawi ng Panginoon. Ang mahalaga ayon kay Bishop Pabillo na bukod sa pagtanggap ng tanda ay ang pagsisikap na magsisi sa mga nagawang kasalanan at ang pagtalikod sa maling gawain.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa misang ginanap sa Veritas chapel para sa pagdiriwang ng Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma. Ang Kuwaresma ay paghahanda sa Pasko ng muling Pagkabuhay ni Hesus matapos ang kanyang pagpapakasakit sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Una na ring naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy na nagbibigay nang pahintulot na mag-aaring magdala at magwisik ng ‘abo’ ang pinuno ng isang pamilya para sa kaniyang mga kaanak.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 7,307 total views

 7,307 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 25,274 total views

 25,274 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 54,809 total views

 54,809 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 75,420 total views

 75,420 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 83,643 total views

 83,643 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,340 total views

 11,340 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top