Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, hindi sang-ayon sa ‘Online Wedding’

SHARE THE TRUTH

 518 total views

July 4, 2020-11:39am

Hindi sang-ayon ang Diyosesis ng balanga bataan sa mungkahing na ‘online o virtual wedding’.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ay isang mahalagang sakramento ng simbahan na nagtataglay ng tatlong panuntunan pagsang-ayon, komunyon at kasunduan.

“Church wedding is a covenant between the couple themselves, and they as a couple with God as Godparents being the witness, and the priest a minister. Thus, it is a community celebration,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Ito ay kusang loob na ibinibigay nang walang pananakot at pamimilit.

Paliwang ng obispo na hindi makakatiyak ang pari na ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan ay bunga ng kanilang malayang pagpapasya.

“With online wedding how can we, priests, be sure and certain that the couple is not impeded in their free decision to get married,” ayon pa sa kay Bishop Santos sa  FB post ng The Roman Catholic Diocese of Balanga.

Ang reaksyon ng obispo ay kaugnay na rin sa ilang mungkahi ng ilan para sa online wedding dulot na rin ng patuloy na banta ng pandemya.

Kung saan ilang mga kasal na rin ang nabinbin dahil sa umiiral na lockdown at paglilimita sa bilang ng mga dadalo sa mga pagdiriwang.

Sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), pinapayagan ang 50-porsiyento ng kapasidad ng simbahan ang maaring dumalo, habang 30-katao naman sa mga pagdiriwang ng binyag at kasal ang maaring dumalo sa parokya.

Habang sa General Community Quarantine (GCQ) ay 10-katao lamang ang pinahihintulutang dumalo sa simbahan.

10-PORSIYENTO NG KAPASIDAD NG SIMBAHAN, PINAHINTULUTAN

Simula sa ika-10 Hulyo, mas marami ng mga mananampalataya ang papayagang makapasok at makapagsimba sa mga parokya sa mga lugar na umiiral ang GCQ.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 10-porsyento na ng kabuuang kapasidad ng simbahan o bahay dalanginan ang papahintulutan para religious gatherings mula sa dating 10-katao lamang.

Mananatili namang sa 50-porsyento ng kapasidad ng simbahan ang pinapayagan para sa mga lugar na umiiral ang MGCQ.

Una na ring naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang gabay sa mga parokya sa mga ipatutupad na health protocols bilang paghahanda sa pagbubukas ng simbahan sa mas maraming bilang ng mga magsisimba.

Ilan sa mga ito ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, footh bath at ang pagbibigay ng mga personal information ng mga dadalo sa misa para sa contact tracing.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 86,933 total views

 86,933 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 99,473 total views

 99,473 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 121,855 total views

 121,855 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 141,096 total views

 141,096 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 34,616 total views

 34,616 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top