179 total views
‘Ipinagpipikit mata na lamang ng pamahalaan ang lumalalang problema sa droga sa bansa.’
Ayon kay Cotabato Auxiliary bishop Jose Colin Bagforo, nangunguna ang iligal na droga sa sumisira sa imahen ng bansa lalo na sa mga kabataan.
Sinabi ng obispo na binabalewala na rin ng taumbayan ang kanilang moral sa patuloy na pagbebenta nito.
“Nakakatakot ‘yan kasi may rivalry involve wherever city you are in the Philippines, drug problem talaga ang number one na sumisira sa ating bayan. Dapat talaga tugunan ‘yan ng ating pamahalaan, siyempre minsan nga out of frustration sumasang–ayon na lamang tayo, pikit mata na lamang tayo sa tinatawag nating fast justice for those who are involved in drug proliferation. Nakakalungkot, nakakalungkot,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.
Batay sa naging pahayag ng isang presidential candidate, umaabot na sa 4 na milyong Pilipino ang nalulong sa mga ipinagbabawal na gamot.
Samantala, kinilala naman ng United Nations World Drug Report noong 2012 ang Pilipinas bilang may pinakamataas na paggamit ng shabu sa buong Silanagang Asya.
Tinataya ring 2.1 percent ng mga Pilipino na edad 16 hanggang 64 ang mga shabu user.