Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Tagbilaran at Talibon, umaapela ng pakikiisa sa “Coastal Clean-up”

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Nanawagan si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mananampalataya sa lalawigan ng Bohol na makikiisa sa paglilinis ng mga baybaying dagat.

Ayon sa Obispo, ito ay pakikiisa sa taunang International Coastal Clean Up na ginaganap tuwing ika – 21 ng Setyembre sa pangunguna ng Ocean Conservancy, isang grupong nangunguna sa pagtataguyod ng malinis na karagatan at ligtas para sa mga yamang dagat.

“In collaboration with the Provincial Government of Bohol, Tagbilaran & Talibon Dioceses invite all to join INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY,” pahayag ni Bishop Uy.

Tiniyak ng Obispo na kaisa ang Simbahang Katolika ng mga Boholano at buong Filipinong komunidad sa bansa sa pagsusulong ng malinis na karagatan, mga ilog at maging ang mga kanal na daluyan ng tubig.

Inihayag ni Bishop Uy na napapaloob sa ensklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si kung saan mariing ipinanawagan ng Simbahan ang malinis na kapaligiran para sa kinabukasan ng mga kabataang maging tagapagmana ng sanlibutan sa susunod na henerasyon.

“This is our way of caring for our environment in response to the call of Pope Francis in his encyclical Laudato Si’,” ani ng Obispo.

Magugunitang 1986 nang inilunsad ang Coastal Clean-up ng Ocean Conservancy sa Estados Unido na layong alisin ang mga kalat sa mga baybaying dagat tulad ng mga plastic.

Higit tatlong dekada na ang nakalipas mas lalong lumawak ang kampanya sa higit 100 mga bansa sa buong mundo na nakiisa sa adhikain ng grupo na pagpanatiling malinis ang kalikasan.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon ang bawat grupo ng mga diyosesis sa Bohol na pangunahan ang paglilinis sa mga ilog na kanilang nasasakupan at pagmalasakitan ang kalikasan na tahanang panlahat ng bawat nilikha ng Diyos.

“Requesting parishes, organizations, and communities to organize themselves for the said activity,” saad pa ni Bishop Uy.

Pinasalamatan ng mga Obispo ang Bohol Environmental Management Office at ang Social Action Center ng Tagbilaran sa pangunguna sa nasabing gawain at umaasa sa positibong pagtugon ng bawat mamamayan.

Sa tala ng Ocean Conservancy, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may malaking ambag sa maruming karagatan na batay sa pagsusuri 2.7 milyong toneladang basurang mga plastic ang taunang nalilikha ng mga Filipino at 20 porsyento rito ay napupunta sa karagatan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 5,401 total views

 5,401 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 26,129 total views

 26,129 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 34,444 total views

 34,444 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 53,118 total views

 53,118 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 69,269 total views

 69,269 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 2,935 total views

 2,935 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top