Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo sa COMELEC, tiyaking mayroong voter’s receipt sa halalan sa Mayo

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa Commission on Elections na sundin ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pag-imprenta ng resibo ng balota o voter’s receipt sa nakatakdang eleksyon sa ika-9 ng Mayo, 2016.

Inihayag ng Obispo na ito rin ang panawagan at nasasaad sa Liham Pastoral ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP noong ika-31 ng Enero na may titulong “The Eucharist and Election” upang matiyak ang kredibilidad at matapat na halalang pambansa.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, malaki ang maitutulong ng pag-iimprenta ng resibo ng balota o voter’s receipt upang maging kapani-paniwala ang resulta ng pambansang halalan.

“Ako po ay natutuwa sa desisyon ng Supreme Court kasi ito din po ang panawagan ng CBCP, sa aming Pastoral Letter noong January 31 – The Eucharist and Election na gawing kapani-paniwala ang eleksyon, ang isang bahagi ng pagpapakapani-paniwala na sundin ang mga nakalagay sa batas at ayon sa batas meron tayong tinatawag na resibo, yung voters verifiable paper trail kaya mabuti yan ay pinanindigan ng Supreme Court at sana ay sumunod ang COMELEC dyan, maghanap ang COMELEC ng paraan paano yan magawa kasi yan po ang magbibigay ng assurance na kapani-paniwala ang ating eleksyon, kaya nananawagan ako sa COMELEC na tuloy tuloy na ipatupad nila ang hinihiling ng Supreme Court na naaayon sa ating batas…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.


Hinimok din ng Obispo ang COMELEC na iwasan ang pagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan kaugnay sa isinasagawang paghahanda sa nakatakdang halalan.

Pinayuhan naman ni Bishop Pabillo ang COMELEC na gawin at gamitin nito ang kanilang malawak na makinarya upang puspusang gampanan ang kanilang mandato sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa na malayo sa kaguluhan at karahasan batay na rin sa Republic Act No. 7166.

Nasasaad sa Republic Act (RA) 939 o Automated Election Law nararapat na magkaroon ng safety features ang balota at ang makinaryang gagamitin sa Automated Election partikular na ang ballot verification o ultra violet detectors, source code review, voter verified paper audit trail at digital signature ng sinumang mangangasiwa sa halalan.

Magugunitang, noong nakalipas na halalan nakapagtala ng 2.3 percent Discrepancy sa Accuracy ng PCOS Machine.

Bukod dito, patuloy rin ang panawagan ng Simbahan sa bawat mamamayan na maging mapagbantay sa proseso at kabuuang sistema ng halalan at manindigan sa katotohanan upang tunay na maihalal ang karapat-dapat na lider na maglilingkod ng buong katapatan sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,804 total views

 28,804 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,472 total views

 37,472 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,652 total views

 45,652 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 41,338 total views

 41,338 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 53,388 total views

 53,388 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,780 total views

 2,780 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,596 total views

 3,596 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top