Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabalik ng Birhen ng Santo Rosaryo dela Naval de Manila, pagdiriwang ng debosyon

SHARE THE TRUTH

 414 total views

Inihayag ng pinuno ng Colegio de San Juan de Letran na ang pagbalik ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo de La Naval de Manila sa orihinal na tahanan sa Intramuros Maynila ay hindi lamang maituturing na pagdiriwang sa pananampalataya.

Ayon kay Reverend Father Clarence Victor Marquez, OP, ang Rector at President ng institusyon, pagpalalim ng pananampalataya at sentro ng buong pagdiriwang ang ginugunita.

“Ang pagbalik ng Mahal na Birhen ng La Naval de Manila sa Intramuros ay hindi basta-bastang pagdiriwang kundi ito ay isang debosyon, pagpapakita ng pagmamahal at pananampalataya ng buong bansa,” pahayag ni Fr. Marquez sa Radio Veritas.

Magugunitang huling ginanap ang prusisyon ng Mahal na Ina sa paligid ng Intramuros noong 1941 bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig na sumira sa lugar.

Makaraan ang mahigit anim na dekada muli itong iniluklok sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral kung saan pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang reenactment sa pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen na ginanap noong 1907.

Sa pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Ina, pinaniniwalaan na sa tulong ng Mahal na Birhen tungo sa kanyang anak na si Hesus ay napagwagian ng Pilipinas ang iba’t-ibang pagsubok.

“Sa kasaysayan ang Mahal na Ina ng Santo Rosaryo ng La Naval ay gumawa ng himala upang maligtas ang Pilipinas kaya inaasahan natin na sa maraming hamon at hirap na hinaharap ng ating bayan, humingi tayo ng tulong sa ating Mahal na Ina tungo sa kanyang Anak upang maligtas tayo at mapagwagian natin ang anumang hirap,” saad ng Pari.

Umaasa si Fr. Marquez na ang pagdiriwang din ay maging daan upang dumaloy sa gawa ng tao at tunay na makapaghahatid ng pagbabago at magpapabuti sa buhay ng bawat mananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 22,738 total views

 22,738 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 31,406 total views

 31,406 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 39,586 total views

 39,586 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 35,387 total views

 35,387 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 47,438 total views

 47,438 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,353 total views

 6,353 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,960 total views

 11,960 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,115 total views

 17,115 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top