Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggalang sa sarili, susi sa tumataas na bilang ng teen-age pregnancy sa bansa

SHARE THE TRUTH

 392 total views

Nasasaad sa sulat sa unang Corinto kabanata pito talata dalawa na mag-ingat sa makasalanang pagtatalik.

Pinaalalahanan ng pinuno ng Episcopal Commission on Women ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan partikular ang mga magulang na paigtingin ang pagturo sa kabataan sa paggalang sa sarili kabilang na ang usaping sekswal.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, Chairman ng komisyon, malaki ang gampanin ng mga magulang upang magabayan ang kabataan lalo na sa maseselang usapin.

“Teach them that sex is sacred, respect oneself by not engaging premarital sex,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ang tugon ng obispo ay kaugnay sa tumataas na kaso ng pagbubuntis ng mga kabataang edad 10 hanggang 14 na taong gulang batay sa ulat ng Commission on Population and Development.

Ayon sa POPCOM 63 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga kabataang nanganganak sa nasabing age bracket kumpara noong 2018.

Binigyang diin din ni Bishop Varquez na dapat masubaybayan ang kabataan sa mga aktibidad gamit ang social media at internet na lantad sa pornograpiya.

Iginiit ng obispo na labag sa katuruan ng Diyos ang pakikipagtalik na labas sa sakramento ng pag-iisang dibdib.

Pinaalalahanan nito ang kabataan na iwasan ang pagiging mapusok sapagkat kaakibat ng tunay na pagmamahal ay ang pagsasakripisyo at kahandaang maghintay sa wastong panahon.

“True love waits knows how to sacrifice; premarital sex is a sin,” giit ni Bishop Varquez.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,892 total views

 18,892 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 27,560 total views

 27,560 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 35,740 total views

 35,740 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 31,674 total views

 31,674 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 43,725 total views

 43,725 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,993 total views

 5,993 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,600 total views

 11,600 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,755 total views

 16,755 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top