4,472 total views
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang taos-pusong pakikiramay at pagdalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis, na minahal ng mga Pilipino at kinilala bilang si “Lolo Kiko.”
“The Philippines joins the Catholic community worldwide in grieving the loss of His Holiness Pope Francis. A man of profound faith and humility, Pope Francis led not only with wisdom but with a heart open to all, especially the poor and the forgotten. By example, Pope Francis taught us that to be a good Christian is to extend kindness and care to one another. His humility brought many back to the fold of the Church,” ayon pa sa mensahe ni Pangulong Marcos.
“As we mourn his passing, we honor a life that brought hope and compassion to so many, and inspired us to love one another as Christ loved us. It is a profoundly sad day.”
Sinabi ng Pangulo na si Pope Francis ay isang natatanging Santo Papa na nagpakita ng tunay na malasakit, kababaang-loob, at pagpapahalaga sa kapwa.
“That’s really sad. I love this Pope. The best Pope in my lifetime as far as I’m concerned,” ayon kay Pangulong Marcos.
Bago ang kanyang pagpanaw, muling humarap si Pope Francis sa publiko sa St. Peter’s Square at naghatid ng mensaheng “Happy Easter.”
Ayon sa Vatican News, pumanaw ang Santo Papa sa edad na 88 noong Lunes ng umaga, ganap na 7:35 AM (oras sa Roma).
Si Pope Francis, na ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio, ay nahalal bilang Kataas-taasang Pinuno ng Simbahang Katolika noong Marso 13, 2013. Siya ang unang Santo Papa mula sa Latin Amerika at unang Jesuit na nahirang sa pinakamataas na posisyon ng simbahan.
Noong 2015, bumisita siya sa Pilipinas kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013. Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng kanyang pagbisita ay ang pagdaraos niya ng misa sa Tacloban City sa gitna ng masungit na panahon, bilang pakikiisa at pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyo.
Nagsagawa rin siya ng misa sa Manila Cathedral at sa Pontifical and Royal University of Santo Tomas, kung saan nakipagtagpo siya sa mga kabataan, pari, seminarista, at relihiyoso. Sa bawat pagkakataon, binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagtutok sa mga nasa laylayan ng lipunan, at ang panawagan para sa pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at pangangalaga sa kalikasan.