Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Peacetalks hindi maaring maging superficial

SHARE THE TRUTH

 291 total views

Hindi nararapat na madaliin ang usapang pangkapayapaan sapagkat maaring pangsamantalang solusyon lamang din ang mabuo mula dito.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Edre Olalia – President ng Nation Union of People’s Lawyers at legal consultant ng National Democratic Front of the Philippines Peace Panel sa inaasahang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.

Iginiit ni Atty. Olalia na kinakailangan ng mahabang pasensya ng mga kinatawan mula sa magkabilang panig upang ganap na matalakay ang lahat ng mga usaping dapat na mapagkasunduan.

Nilinaw ni Atty. Olalia na sa simula’t-simula pa lamang ay magkaiba na ang pananaw ng magkabilang panig sa lahat ng mga usapin, tulad na lamang ng pagtukoy sa mga problema sa lipunang kinakailangang solusyunan at ang mismong paraan kung paano ito dapat solusyunan.

“talagang hindi madali yung solusyon kasi nga magkakaiba sila ng pananaw, magkakaiba sila ng pamamaraan, magkakaiba sila ng pagtingin kung ano talaga yung problema ng lipunan at lalong magkakaiba ang pagtingin nila paano ito susolusyunan. Hindi overnight, magiging superficial naman yung solusyon.” pahayag ni Olalia sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito sa ilalim ng administrasyong Duterte ay muling nabuhayan ng pag-asa ang marami sa tuluyang pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa dahil sa malaking development at pag-usad ng dayalo ng magkabilang panig.

Ngunit dahil sa ilang mga serye ng pag-atake ng komunistang grupo sa ilang mga liblib na lugar sa bansa ay muling ipinatigil at ipinasuspendi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang usapang pangkapayapaan noong buwan ng Nobyembre 2017 matapos lagdaan ang Presidential Proclamation No. 3-7-4 sa ilalim ng Republic Act No. 10168 upang opisyal na ideklara bilang mga terrorist organization ang CPP-NPA-NDF.

Muli ring pinapaaresto ang mahigit sa 10 consultants ng CPP-NPA-NDF na naunang ginawaran ng safe conduct pass dahil sa peacetalks.

Makalipas lamang ng halos 5 buwan ay muling nagpahayag si Pangulong Duterte ng pagiging bukas sa pagpapatuloy ng naunsyaming usapang pangkapayapaan at nanawagan sa komunistang grupo na itigil na ang mga pag-atake at paniningil ng rebolutionary taxes sa mga negosyante.

Umaasa din ang mga Obispo ng Simbahang Katolika na tuluyang nang magkaroon ng positibong resulta ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng kumunistang grupo at pamahalaan upang matamasa ang kapayapaan sa bansa.

Taong 1960’s ng magsimula ang rebolusyon ng mga komunista sa bansa na itinuturing na isa sa pinakamatagal ng communist insurgency sa buong mundo at nagbunsod sa pagkamatay ng halos 40-libong indibidwal mula sa panig ng mga kuminista at maging sa pwersa ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,516 total views

 5,516 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,500 total views

 23,500 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,437 total views

 43,437 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,636 total views

 60,636 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,011 total views

 74,011 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 15,730 total views

 15,730 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 21,355 total views

 21,355 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 28,153 total views

 28,153 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top