PNP, tiniyak ang seguridad ng mga sugatang bilanggo sa NBP riot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Titiyakin ng mga opisyal ng New Bilibid Prison ang seguridad ng mga high-profile prisoners na sugatan sa naganap na riot sa building 14 ng NBP.

Ipinangako ito ni PNP spokesperson Superintendent Dionardo Carlos matapos ang riot na kinasasangkutan ng mga tinaguriang high-risk criminal.

Paliwanag ni Carlos, sa mga opisyal pa rin ng NBP magmumula ang mga desisyon at gampanin ng PNP-SAF na pansamantalang itinalaga sa bilaguan upang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob ng pambansang piitin.

“well NBP Officials will take the necessary decision on that, our personnel is there for the disposal of the leadership of the NBP, so they will secured based on the instructions and orders of the NBP officials…”pahayag ni Carlos sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, ipinaubaya na ng Bureau of Corrections ang imbestigasyon sa PNP- Crime Investigation and Detection Group (CIDG) upang malaman ang pangunahing dahilan sa naganap na riot sa loob ng building 14 ng NBP na ikinasawi ng high-profile prisoner na si Tony Co at ikinasugat naman nina Jaybee Sebastian at Peter Co na kapwa inaasahang titestigo sa isinasagawang pagdinig sa Kongreso kaugnay sa patuloy na illegal drug trade sa loob ng NBP.

Samantala, una nang inihayag ng PNP na bumaba ng 31-porsyento ang krimen sa bansa mula noong nakalipas na taon habang nabawasan naman ng 90-porsyento ang supply ng ilegal na droga sa bansa.

Magugunitang, una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat at kitilin ang buhay maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,195 total reads

 1,195 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,041 total reads

 52,041 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,407 total reads

 137,407 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,143 total reads

 184,143 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 232,014 total reads

 232,014 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,472 total reads

 333,472 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top