Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SAC ng Simbahan, puspusan ang “rapid assessment” sa pinsala ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

 494 total views

Puspusan ang ginagawang rapid assessment ng iba’t-ibang Diyosesis na sinalanta ni super typhoon Rolly.

Inihayag sa Radio Veritas ni Renbrandt Tangonan, communication officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission na tinatapos nila ang rapid assessment sa lalawigan ng Batangas upang malaman ang kabuuang bilang ng mga residenteng matinding naapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Tangonan, wala pa ring kuryente sa buong lalawigan at kitang-kita ang matinding pinsala sa mga ari-arian, kabuhayan ng mamamayan at imprastraktura.

Ibinahagi naman ni Fr. Allan Malapad, dating Social Action Director ng Diocese of Boac, Marinduque ang matinding pinsala sa mga tahanan at kabuhayan ng mga residente ng bagyong Rolly na mas malala sa pinsala ng nagdaang bagyong Quinta.

Sinabi ng Pari na nagkaroon ng matinding pagbaha sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan at pagguho ng mga lupa maging ang pagkasira ng ilang tulay at kalsada dulot ng malakas na pag-agos ng tubig mula sa ilog.

Bagamat naibalik na ang daloy ng kuryente sa ibang lugar, nasa state of calamity pa rin ang bayan ng Torrijos at Boac magmula pa noong manalasa ang bagyong Quinta.

Ibinahagi naman ni Diocese of Gumaca Assistant SAC Director Fr. Rustom Dirain na hindi pa rin naibabalik sa kasalukuyan ang suplay ng kuryente.

Naghahanda na rin ang Arkidiyosesis ng Nueva Caceres na mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Nanawagan din ng tulong si Fr. Marc Real, ang SAC Director ng arkidiyosesis para sa residenteng nawalan ng kabuhayan at ari-arian dahil sa hagupit ng bagyong Rolly.

Hindi naman gaano naapektuhan ng bagyong Rolly ang Apostolic Vicariate ng San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Fr. Rolando Villanueva, SAC Director ng bikaryato na ramdam pa rin nila ang epekto ng bagyong Quinta na matindi ang iniwang pinsala sa lalawigan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Patuloy naman na humihiling ng panalangin ang mga diyosesis gayundin ang pangangalap ng tulong para sa mga apektadong residente na muling makabangon mula sa matinding epekto ng dalawang magkasunod na bagyo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 5,673 total views

 5,673 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 26,401 total views

 26,401 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 34,716 total views

 34,716 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 53,386 total views

 53,386 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 69,537 total views

 69,537 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 3,765 total views

 3,765 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 5,526 total views

 5,526 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 10,867 total views

 10,867 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 12,875 total views

 12,875 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top