Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Visita Iglesia, gawing makabuluhan sa pagsusuri ng budhi at pagbabakasyon

SHARE THE TRUTH

 233 total views

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Balanga, Bataan Ruperto Santos sa mga mananampalataya ngayong bisperas bago ang tradisyunal na Visita Iglesia na siyang kinagawian ng mga Pilipino.

Aniya, mahalagang tandaan ng bawat pilgrims na hindi lamang ito panahon para makapag–bakasyon kundi pagkakataon rin upang panumbalikin muli ang relasyon at ugnayan sa Diyos.

“Gamitin nila ang pagkakataong ito na makipag–kaisa, makapag–bigay ng panahon na makiniig ang Panginoon sa panalangin at sa pagsamba at sa pagdiriwang ng mga sakramento. Isipin nila na hindi ito isang bakasyon, hindi paglalamienda, hindi paglalakwatya. Kundi pagkakataon na kung saan suriin nila ang kanilang sarili, ang kanilang kalooban kung ano na ang ugnayan nila sa Diyos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas

Inihayag ni Bishop Santos na mahalagang samatalahin ang Semana Santa upang makasama ang pamilya sa pananalangin sa mga simbahang bibisitahin.

“Ito rin ay isang pagkakataon na ilaan nila ang kanilang panahon sa kanilang mahal sa buhay. Sama – samang kumakain, sama – samang nagkwe – kwentuhan , sama – samang nagdarasal sa simbahan, pagkakataon na damhin nila ang presensya ng bawat isa,” giit ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Kaugnay ng Lenten break, tinaya ng Philippine Coast Guard na sa 80 libong pasahero ang dumaragsa sa mga pantalan sa buong bansa simula pa noong Linggo ng Palaspas.

Samantalang, aabot sa 200 libong sasakyan ang dumadaan sa North Luzon Expressway araw-araw at 30,000 naman sa Subic Clark Tarlac Expressway.

Samatanla, ayon sa Tourist Assistance Center ng Boracay, inaasahang nasa 50,000 turista ang inaasahan nilang magbabakasyon sa isla ngayong Holy Week.

Nauna na ring ipinaalala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na hindi ang pananakit sa sarili ang tunay na diwa ng mga Semana Santa kundi ang pagkakawang-gawa at paglalakbay tungo sa kabanalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 19,997 total views

 19,997 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 28,665 total views

 28,665 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 36,845 total views

 36,845 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 32,754 total views

 32,754 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 44,805 total views

 44,805 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 20,960 total views

 20,960 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,996 total views

 102,996 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top