Tumugon sa pangangailangan ng kapwa, panawagan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,869 total reads

Bilang mga kristiyano ay hinihikayat ang bawat isa na tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, dahil ang kahirapan ay malaking banta sa kaganapan ng buhay.

Ayon kay Caritas Manila executive Fr. Anton Pascual na siya ring pangulo ng Radio Veritas, ang panahon ng Kuwaresma at Semana Santa ay isang pagkakataon sa bawat isa hindi lamang para manalangin, kundi higit ay ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong o pagkakawanggawa sa kapwa.

“Poverty is a serious threat sa fullness of life kaya’t bilang kristiyano at mamamayan tayo po ay nagtutulungan nag-aabuloy po tayo para makatulong po tayo sa mahihirap,” ayon sa pahayag ni Fr. Pascual.

Muli namang inilunsad ng Caritas Manila ang Alay Kapwa Telethon 2023 na layung makapangalap ng pondo para sa mga posibleng biktima ng kalamidad.

Bukod sa higit 20 bagyo kada taon, karaniwan din ang malalakas na lindol sa Pilipinas at iba pang mga sakuna tulad ng mga sunog.

Sa tala, umaabot sa 30-40 ang insidente ng sunog sa Metro Manila kada taon.

Kaya’t muli ang paghikayat ni Fr. Pascual sa mananampalataya na makibahagi sa mga programa ng simbahan tulad ng disaster response, feeding at scholarship programs.

“Kaya nga ang simbahan kapag ganitong panahon ng Lenten season meron tayong fasting, prayer, and alms giving yung ating mga natipid dahil po tayo ay nag-fasting at nag-abstinence ay hindi natin tinatago ito po ay tinutulong natin at ang maganda ang programa ng Caritas Manila sa damayan sa pagtulong sa mga victims of disasters,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Ngayong araw, muling inilunsad ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Radio Veritas ang Alay Kapwa 2023 na layong makapangalap ng pondong ilalaan sa mga programa ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 166,679 total reads

 166,679 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 238,553 total reads

 238,553 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 271,999 total reads

 271,999 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 307,297 total reads

 307,297 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 527,290 total reads

 527,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top