Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong mission station ng Archdiocese of Manila, binasbasan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 1,444 total views

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa at pagbabasbas sa bagong Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa SM Makati.

Kabilang ito sa mga bagong mission stations na layunin ni Cardinal Advincula upang mas palawakin at ipalaganap ang salita ng Diyos sa mas maraming mananampalataya.

“A mission station is a church closer to the people, not just in terms of physical space, but more so in the lived place,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Si Fr. Reginald Malicdem ang hinirang na chaplain ng SM Makati upang magsilbing gabay ng mga kawani, gayundin ang mga bumibisita at bumibili sa mall.

Nagagalak at nagpapasalamat naman si Fr. Malicdem sa natanggap na biyayang pamunuan ang bagong mission station na bagamat panibagong pagsubok ay naniniwalang mapapawi ang mga pangamba dahil sa tulong at gabay ng Mahal na Birheng Maria.

“Tuwang tuwa ako at sa isang banda ‘yung challenge din katulad ng sinabi ni [Cardinal Advincula] kanina na parang hindi madaling magbuo, magsimula, pero ipinagkatiwala ito sa akin. Kaya sa tulong ng Diyos at ni Mama Mary ay pagtutulong-tulungan ng community na mabuo itong simula ng chapel na ito.” pahayag ni Fr. Malicdem sa panayam ng Radio Veritas.

Si Fr. Malicdem ang dating rektor ng Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa Intramuros.

Samantala, pinasinayaan din sa pagtitipon ang unveiling ng marker bilang patunay ng patatalaga sa bagong chapel, at ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Archdiocese of Manila at SM Investments Corporation sa pangunguna nina Ms. Tessie Sy-Coson at Mr. Herbert Sy.

Dumalo rin sa banal na pagdiriwang ang ilang mga pari at diyakono ng Archdiocese of Manila, at mga kawani ng mall.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,853 total views

 34,853 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,983 total views

 45,983 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,344 total views

 71,344 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,716 total views

 81,716 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,567 total views

 102,567 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,310 total views

 6,310 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top