Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyang halaga ang mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 300 total views

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) ang misa para sa pandaigdigang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.

Ayon kay Bishop Pabillo ang trabaho ay hindi dapat tingnan lamang bilang isang ‘economic activity’ kundi bigyang pagpapahalaga ang mga manggagawa na siyang susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bawat kompanya at ng bansa.

Dahil ang pagtatrabaho ay dangal ng bawat tao kaya’t hindi lamang mahalaga ang trabaho kundi ang pagkakaroon makatao at sapat na sahod sa kanilang paggawa.

“Bigyan dapat ng living wage, hindi lang sapat na sahod at kailangan din ng trabahong pangmatagalan- security of tenure. Kasi hindi tama ang ‘endo’, hindi tama na contractual lang. kailangan regular na trabaho at ‘yan ang malaking pagkukulang sa ating kalagayan. Ang mga manggagawang bukid natin ay walang security of tenure dahil marami sa kanila ang walang sariling lupa. Hindi napapatupad ang agrarian reform,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Kasabay na rin ng pagdiriwang ng ‘Labor Day’ nilagdaan naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagbabawal sa illegal contracting sa isang pulong na ginanap sa Cebu City.

Inamin naman ng pangulo na hindi sapat ang EO dahil kailangan na rin muling tingnan ng kongreso ang sinasabi niyang ‘outdated labor code’.

Sa simbahan, ipinagdiriwang din ang ‘Araw ng Paggawa’ na ang patron ay si ‘San Jose Mangggawa’ na siyang nagtaguyod kina Maria at Hesus.

“Ang paggawa ‘it creates human communities’ nagkakaisa sila. So’yan din ang tungkulin ng manggagawa na sikapin na maayos ang kanyang trabaho at pakikisama sa kaniyang kapwa manggagawa. At ang paglilingkod niya sa lipunan. Sana makita ng mga manggagawa ang kaniyang trabaho ay hindi lamang sa kaniyang sarili ay para rin sa lipunan,” ayon sa pagninilay ng obispo.

Pagdidiin ng obispo bawat manggagawa ay dapat ding makiisa sa pagtataguyod ng kabutihan ng iba pang manggagagawa na nakakaranas ng pang-aabuso at hindi patas na sahod.

Base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017, higit sa 60 porsiyento ng kabuuang populasyon nasa edad 15 pataas ay kabilang sa labor force ng Pilipinas o 43.7 milyong katao.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 7,821 total views

 7,821 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 28,549 total views

 28,549 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 36,864 total views

 36,864 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 55,503 total views

 55,503 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 71,654 total views

 71,654 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 28,694 total views

 28,694 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top