354 total views
July 14, 2020, 11:59AM
Ikinagalak at tiwala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples bilang kasapi ng Pontifical Council for Inter-religious Dialogue.
Ayon kay Cotabato Archbishop Angelito Lampon, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, malawak ang karanasan ni Cardinal Tagle sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang pananampalataya hindi lamang sa Pillipinas kundi sa buong daigdig.
Sinabi ni Archbishop Lampon na bilang arsobispo noon ng Archdiocese of Manila ay aktibo ito sa mga programa para sa ibang paniniwala tulad ng Muslim, Lumad at mga katutubo.
“While living as cardinal of the Archdiocese of Manila having involved in Inter-religious Dialogue (IRD) and Ecumenism in Manila, like groups of Muslims; therefore he is familiar locally in dealing with these people,” pahayag ni Archbishop Lampon sa panayam ng Radio Veritas.
Ikawalo ng Hulyo nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Cardinal Tagle sa Pontifical Council for Inter-religious Dialogue kasama ang iba pang opisyal ng Vatican.
Ang Pontifical Council ang pinakapunong tanggapan ng Simbahang Katolika na nagtataguyod ng pakikipagdiyalogo as ibang pananampalataya alinsunod sa Second Vatican Council partikular ang Nostra Aetate.
Sinabi ni Archbishop Lampon na committee member din ng Episcopal Commission on Inter-religious Dialogue na ang pagiging pangulo ng Cardinal sa Caritas Internationalis ay isang malaking kapakinabangan sapagkat nakikita nito ang tunay na kalagayan ng bawat tao partikular sa mga mahihirap na lugar.
“Exposure (of Cardinal Tagle) as president of Caritas Internationalis basing all over the world especially in poorer Muslim countries, gives him a broader perspective of what is really the situation of our Muslim brothers and sisters all over the world which is part of IRD,” dagdag ng arsobispo.
Maituturing din itong regalo ng mga Filipino sa Simbahang Katolika paritkular sa Santo Papa at sa Roman Curia sapagkat maipapamalas ng Cardinal ang kakayahan nito sa pamamahala nang may kababaang loob.
Tiwala ang arsobispo na magagampanan ng Cardinal ang kanyang tungkulin dahil sa angking yaman ng karanasan sa paglilingkod hindi lamang sa mga katoliko kundi sa iba’t ibang paniniwala sa buong daigdig.
“He is very rich in experience locally; dealing all of these would really give him a grounding as well as better grasp of what is going on globally. It would be a big contribution to the IRD as a member of pontical council,” saad ni Archbishop Lampon.