Caritas Margins, magbibigay ng marangal na trabaho sa drug surrenderers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 366 total views

Malaki ang maitutulong ng Caritas Margins upang mabigyan ng livelihood program ang mga drug dependents and surrenderers.

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Paranaque Bishop Jesse Mercado sa pagpapasinaya ng Caritas Margins Buy and Give Expo 4 sa Alabang Town Center.

Ang Buy and Give Expo-4 ay mula ika–16 hanggang ika–18 ng Setyembre na kauna – unahang inilunsad sa Diocese of Paranaque.

Sinabi ni Bishop Mercado na malaking oportunidad ang maipagkakaloob ng Caritas Margins sa mga drug dependents upang makapanumbalik muli sa komunidad ng may marangal na trabaho.

Nakikita ni Bishop Mercado na sa ganitong pamamaraan ay maipapadama sa mga “drug users at peddlers” na sumuko ang pagkilala sa kanilang dignidad at mabigyan ng opurtunidad.

“Yan (Caritas Margins) ay magandang programa sa ating mga drug addicts o surrenderers, hindi po sagot diyan ang mga extra – judicial killings na sila ay patayin kundi may panahon pa rin na sila ay ating matulungan upang manumbalik muli sa ating lipunan at maging ‘useful citizens.’ Nawa sa ganitong paraan ay maipakita natin ang kahalagahan at pagrerespeto natin maski na tayo ay nagkamali ng daan mayroon pang pag – asa, mayroon pang pagkakataong muling tumayo,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mercado sa panayam ng Veritas Patrol.

Magugunita na nasa mahigit isang libong produktong gawa ng nasa mahigit isang libong urban poor na micro – entrepreneurs ang natutulungan ng Caritas Margins sa taunan nilang expo.

Target naman ng naturang aktibidad na makalikom ngayong taon ng P38 milyong piso para tugunan ang pangangailangan ng halos limang libong iskolar ng Caritas Manila sa programa nitong YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 49,199 total views

 49,199 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 77,204 total views

 77,204 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 95,004 total views

 95,004 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 92,893 total views

 92,893 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 201,617 total views

 201,617 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 6,526 total views

 6,526 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 228,406 total views

 228,406 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top