190 total views
Sinang–ayunan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP – ECMI) ang inilabas na pag – aaral ng International Labor Organization o ILO na 90 porsyento ng 67 milyong domestic workers sa buong mundo ang walang access sa social security protection.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – ECMI, na matagal ng itinataguyod ng simbahan ang karapatan at dignidad ng mga overseas Filipino workers o OFW dahil sa kawalan pa rin ng pagsusulong ng pamahalaan na pangalagaan ang mga migranteng Pilipino.
“Tayo ay sumasang – ayon na kung saan ang ating mga manggagawang nasa ibang bansa ay hindi napapangalagaan at ang kanilang karapatan ay hindi iginagalang. The reason why we are always appealing and we are always promoting the rights and the dignity of our OFWs. Ito ang binabantayan at itinataguyod ng simbahan at ito rin ang ating hinihingi sa pamahalaan na isulong ang karapatan ng ating mga manggagawa higit sa lahat sa ibang bansa,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Pinuna rin ng Obispo ang mga mapagsamantalang employers na kinukumpiska ang passports lng mga manggagawa pagdating pa lang sa dayuhang bansa na dahilan para hindi basta makaalis ang empleyado kahit na ito ay inabuso ng amo, o kaya’y may epidemya o digmaan sa lugar.
“Katunayan ay lagi nating sinasabi na ang karapatan ng ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa lalo na dito na hindi na dapat itago ng mga employer ang passport ng mga Pilipino ng mga manggagawa bagkus dapat ito ay hawak na ating kapwa manggagawang Pilipino,” panawagan ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Magugunita na nauna na ring nanawagan si Pope Francis na kinilala bilang “Labor Pope,” sa pagsusulong ng karapatan at dignidad ng bawat manggagawa sa kanilang trabaho.
Arnel