Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Climate mapping, panawagan ng grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 6,858 total views

Umaasa ang grupo ng magsasaka na magkaroon ang Pilipinas ng wastong weather o climate mapping para makatulong sa mga manggagawang bukid.

Ayon kay Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagdesisyon ng mga itatanim sang-ayon sa panahon.

Ito ang tugon ng grupo sa naalapit na tag-init sa bansa na malaki ang maging epekto sa mga magsasaka lalo na sa mga lugar na walang sapat na irigasyon.

“I think yung information sa weather pattern napaka kritikal niyan sa ating desisyon sa mga magsasaka kung ano at kailan magtatanim,” ani Montemayor sa Radio Veritas.

Nangangamba ang grupo na labis maapektuhan lalo ang magsasaka ng palay lalo’t sa taya humigit kumulang sa 50 porsyento lamang sa bansa ang may patubig habang karamihan ay umaasa lamang sa tubig ulan.

Sinabi ni Montemayor na dapat mapaunlad ang kaalaman ng mga magsasaka sa larangan ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka upang matulungang madagdagan ang produksyon at tumaas ang kanilang kita.

Gayunpaman binigyang diin nito na dapat sapat at abot kaya ng mga magsasaka ang teknolohiyang gagamitin sa pagsasaka tulad ng ginagamit ng Israel para mapalakas ang sektor ng agrikultura.

“Mabuti naman yung ideya ng mga latest technologies ay makarating sa ating mga magsasaka para magamit natin ito to increase yung production pero kailangan isuguro natin na ang technologies na iyan ay angkop sa financial capacity ng ating mga magsasaka,” giit ni Montemayor.

Pinuri din ng grupo ang kahandaan ng National Irrigation Administration sa pakikipagdiyalogo sa mga magsasaka upang mapunan ang suliranin sa patubig sa bansa lalo na sa mga lugar na walang sapat na irigasyong makatutulong sa magsasaka.

Apela ni Montemayor ang pagtitipid ng tubig upang hindi masayang at may gagamitin kung sakaling magkaroon ng El Nino phenomenon.

Samantala tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na sapat ang suplay ng tubig sa bansa sa kabila ng nalalapit na tag-init.

“Maswerte po tayo ngayong taon kasi umabot po tayo ng 214 irrigation. Yung 214 po ay sapat po para sa darating na tagtuyot natin hangang Abril o Mayo,” saad ni MWSS Administrator Jose Dorado.

Bahagi ng Compendium of the Social Doctrine of the Church ang karapatan ng bawat mamamayan ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng malinis na tubig sapagkat ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 39,031 total views

 39,031 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 59,758 total views

 59,758 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 68,073 total views

 68,073 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 86,202 total views

 86,202 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 102,353 total views

 102,353 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 802 total views

 802 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 6,441 total views

 6,441 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 11,596 total views

 11,596 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top