Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Daughters of St. Anne, lugaw ang kinakain para makatulong sa mga walang pagkain

SHARE THE TRUTH

 370 total views

April 18, 2020, 11:48AM

Nakibahagi ang Daughters of St. Anne sa Bacolod sa naranasang krisis sa buong mundo dulot ng pandemic COVID 19.

Ayon sa salaysay ni Sr. Crisvie Hapyy Montecillo, DSA, co-Executive Secretary ng Association of the Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), napagkasunduan ng kanilang komunidad sa mga nasabing lalawigan na kumain ng lugaw tuwing Martes at Biyernes upang makatipid ng pagkain at maibahagi sa ibang mamamayan na walang pagkain at walang kinikita dahil sa pagsara ng karamihang negosyo sa bansa.

Aniya, ito ang nakikitang pamamaraan ni Sr. Maricel Carcillar, DSA ng Blessed Mother Rosa Foster Home na nangangalaga ng mga bata, na makatulong sa mga nakatira sa paligid ng institusyon lalo na sa pagbibigay ng mga pagkain.

Bagamat payak na mga hakbang lamang ay malaking tulong ito sa mga walang makakain lalo’t mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng community quarantine para protektahan ang kalusugan ng mga Filipino.

Ikinatuwa ng mga madre na suportado ito ng 16 na mga inaarugang mga bata kung saan sila mismo ang nagpahayag na nais nilang makiisa sa pagkain ng lugaw para makapagbahagi sa iba.

Sinabi pa ni Sr. Montecillo na umaasa lang din ang komunidad ni Sr. Mase sa tulong ng mga donors upang mapakain ang mga kinakalingang bata ngunit buong puso pa rin ang suporta nito sa buong komunidad na nakaranas ng hirap dahil sa krisis.

Bukod dito, magkatuwang din ang tatlong madre at 16 na mga bata sa paghanda ng tiglimang kilong bigas at mga gulay upang maipamahagi sa mga residente sa lugar.

Buong pusong ipinagmalaki ng isang limang taong gulang na bata na kasama ni Sr. Carcillar na sila ay nakapagbahagi sa kapwa nangangailangan dahil sa pagkain ng lugaw tuwing Martes at Biyernes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,639 total views

 13,639 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,307 total views

 22,307 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,487 total views

 30,487 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,514 total views

 26,514 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,565 total views

 38,565 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,518 total views

 5,518 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,125 total views

 11,125 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,280 total views

 16,280 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top