Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Environmental protection, panawagan ng ECOWASTE kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

 2,174 total views

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lumikha ng mga polisiyang mangangalaga sa kaligtasan ng kalusugan ng tao at kalikasan laban sa mga basurang nagmumula sa ibang bansa.

Ito ang panawagan ng grupo kaugnay sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.

Tinukoy ng EcoWaste ang pagpapatibay sa Basel Convention Ban Amendment at ipatupad ng pamahalaan ang pagbabawal sa pag-angkat ng basura, kabilang na ang electronic, plastic, at iba pang mapanganib at nakakalasong basura.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, mahalagang mapagtibay na ang nasabing international law upang hindi na muling maulit ang insidente limang taon na ang nakakalipas.

Magugunita noong Hulyo 21, 2018 nang dumating sa Northern Mindanao ang barkong lulan ang mga basura mula sa South Korea na inakalang plastic synthetic flakes na karaniwang ginagamit sa pagre-recycle.

“As we recall this deplorable dumping incident, we remember with pride the patriotic stance taken by our vigilant customs, environmental and local government authorities in Region 10, together with the civil society, not to allow the Korean waste to be landfilled or incinerated in Mindanao,” pahayag ni Lucero.

Taong 1993 nang pagtibayin sa bansa ang Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal.

Ngunit apela rin ng mga makakalikasang grupo na pagtibayin ang Basel Amendment na ipinagbabawal ang paglalabas ng hazardous wastes mula sa developed patungo sa developing countries tulad ng Pilipinas para sa reuse, recycling, recovery operations, at iba pang dahilan.

Maliban sa mga basurang mula sa South Korea, may mga nauna pang insidente ng ipinadalang basura sa bansa mula sa Canada at Hongkong.

“The EcoWaste Coalition appeals anew to our nation’s leaders to get the Basel Convention Ban Amendment ratified and for other preventive measures to be enacted, including banning waste importation, to put an end to waste dumping and uphold environmental health and justice. We request the president to positively respond to our appeal through his SONA,” apela ni Lucero.

Naibalik naman sa South Korea ang nasa 364 containers ng basura na may bigat na 7,408 tonelada mula Enero 2019 hanggang September 2020 sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Enero 2023 naman nang sumulat ng liham ang EcoWaste kay Pangulong Marcos at Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga upang iapela ang agarang pagpapatibay sa Ban Amendment.

Binigyang-diin naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagiging malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,457 total views

 44,457 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,938 total views

 81,938 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,933 total views

 113,933 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,661 total views

 158,661 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,607 total views

 181,607 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,715 total views

 8,715 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,226 total views

 19,226 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,237 total views

 7,237 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top