Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag gumamit ng plastic campaign materials, panawagan ng Obispo sa lahat ng kandidato

SHARE THE TRUTH

 10,219 total views

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng mga kakandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections na iwasan ang paggamit ng mga plastic campaign materials.

Binigyang diin ng obispo na bahagi ng paglilingkod sa bayan ang pangangalaga sa kalikasan kaya’t dapat itong isaalang-alang sa pangangampanya.

“An essential aspect of public service is caring for the environment. I urge all candidates for public office to thoughtfully choose biodegradable cloth tarps instead of plastic ones,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.

Aniya dapat ipakita ng mga kakandidato ang kanilang political will sa panahon ng kampanya sa pagbibigay tuon sa kasalukuyang sitwasyon mundo na nahaharap sa matinding epekto ng climate change.

Sa October 1 hanggang 8 itinakda ng Commission on Elections ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais kumandidato sa halalan sa susunod na taon.

Bagamat nakatakda sa February 11, 2025 ang simula ng 90-day campaign period ng national candidates at March 28, 2025 naman ang 45-day campaign ng local candidates ay kapansin-pansin naman sa mga pangunahing lansangan ang iba’t ibang campaign posters ng mga naghahangad magpapili sa eleksyon.

Sa nakalipas na 2022 National Elections naitala ng 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Matatandaang sa 2018 report ng United Nations Environment Programme isa ang Pilipinas sa limang mga bansang nakadadagdag sa plastic pollution sa karagatan. Sa datos naman ng Global Alliance for Incinerators Alternatives 48 million plastic bags ang average na ginagamit ng mga Pilipino araw-araw o katumbas sa 17.5 bilyong piraso kada taon.

Dahil dito patuloy ng panawagan ng simbahang katolika na suportahan ang single-use plastic ban sa bansa gayundin ang pagiging responsableng mamamayan sa pagtatapon ng kanilang mga basura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 38,659 total views

 38,659 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 59,386 total views

 59,386 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 67,701 total views

 67,701 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 85,833 total views

 85,833 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 101,984 total views

 101,984 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 757 total views

 757 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 6,398 total views

 6,398 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 11,553 total views

 11,553 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top