Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang kapayapaan sa Ukraine, apela ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya sa buong mundo na patuloy ipanalangin ang kapayapaan sa Ukraine.

Sa mensahe ng Santo Papa umaasa itong sa gabay ng Panginoon ay manaig ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-uusap ng magkabilang panig para sa kapakinabangan ng mga residenteng maapektuhan ng kaguluhan.

“Let us continue to implore the God of peace that tensions and threats of war be overcome through serious dialogue, and that the “Normandy Format” talks may also contribute to this. Let us not forget: war is madness!” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Muling nagkaroon ng tensyon ang Ukraine at Russia makaraang magbabala si US President Joe Biden at iba pang European leaders noong Disyembre hinggil sa mahigit 100-libong military personel ng Russia malapit sa Ukrainian border.

Pangamba ng mga lider ang pananakop ng Russia sa Ukraine na maaring makapinsala sa maraming inosenteng mamamayan kung sisiklab ang kaguluhan sa lugar.

Nagsimula ang tensyon ng dalawang bansa na pawang dating Soviet states noong 2013 dahil; sa landmark political at trade deal sa European Union kung sinuspende ni dating President, Viktor Yanukovych ang dayalogo.

Sa datos namang ng United Nations nasa tatlong libong mga sibilyan ang nasawi sa eastern Ukraine dahil sa karahasan mula 2014.

Noong January 26, 2022 pinangunahan ni Pope Francis ang pananalangin para sa kapayapaan ng Ukraine at umaasang isulong ng bawat lider ng mga bansang sangkot ang pakikipagdayalogo upang maiwasang lumalala ang tensyon na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.

Nanawagan din ang santo papa sa international community na mamagitan at tulungan ang mga bansang umiiral ang tensyon at karahasan para sa kapakinabangan ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,004 total views

 13,004 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,672 total views

 21,672 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,852 total views

 29,852 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,887 total views

 25,887 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,938 total views

 37,938 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,445 total views

 5,445 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,052 total views

 11,052 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,207 total views

 16,207 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top