Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karagatan ng Mindoro, isang taon bago malinis sa oil spill

SHARE THE TRUTH

 3,487 total views

Hindi sapat ang apat hanggang anim na buwan upang tuluyang malinis ang kumalat na langis sa karagatan ng Mindoro.

Ayon kay Danny Ocampo-Senior Campaign Manager, OCEANA PHILIPPINES, maaring matanggal ang langis sa ibabaw ng dagat subalit hindi naman natitiyak na maari ng makapangisda at ligtas kainin ang mga lamang dagat.

Ito ang pahayag ni Ocampo sa panayam ng Radio Veritas, kaugnay na rin sa kumalat na 800-libong litro ng langis sa karagatan ng Oriental Mindoro sa pagtaob ng MT Princess Empress.

“So ang tanong are we talking about visible problems o yung chemical composition kasi yung natitirang oil hindi naman po siguro maalis agad ng 4 to 6 months. I want to be optimistic pero ayaw ko din naman pong bigyan ng false hope yung mga tao na 4 to 6 months pwede na kayo mangisda kasi hindi po natin alam ang mangyayari for now, unless ma contain yung lahat ng oil spill agad,” ayon kay Ocampo.

Umaasa din ang grupo na kagya’t na malilinis ang kumakalat na langis upang hindi lumawak pa ang pinsala sa karagatan, gayundin ang kabuhayan ng mga pamayanang umaasa sa pangingisda at turismo

Ayon pa sa ulat, sa loob ng higit sa isang linggong pagkalat ng langis umaabot na sa 36-libong ektarya ng coral reefs ang naapektuhan ng ‘oil spill’.

Bukod sa Calapan City, siyam na bayan na ng Mindoro ang nagdeklara ng ‘state of calamity’ gayundin sa Antique.

 

(with News Intern: Rey Angelo Miguel)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 27,177 total views

 27,177 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,845 total views

 35,845 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 44,025 total views

 44,025 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,729 total views

 39,729 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,779 total views

 51,779 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top