Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katoliko’t Kristiyano, inaanyayahan ni Pope Francis na maging misyonero

SHARE THE TRUTH

 2,347 total views

Pinaalalahanan ng Santo Papa Francisco ang mananampalataya na bilang binyagan ay tungkulin nitong maging misyonero sa sambayanan.

Ayon kay Pope Francis bawat isa ay inaanyayahang makibahagi sa gawaing pagmimisyon lalo na sa mga kinabibilangang komunidad.

Nilinaw ng santo papa na hindi lamang para sa mga pari, madre at relihiyoso ang pagmimisyon kundi ito ay pantay na gawain ng kristiyanong pamayanan.

“Within the diversity of ministries and charisms in the Body of Christ, all the baptized are called and sent forth to advance the Church’s apostolate. Those who are ordained have received the mission of teaching, governing and sanctifying in Jesus’ name and authority, yet all the members of the faithful, as sharers in the Lord’s priestly, prophetic and regal office, are called to be missionary disciples, “apostles in an apostolic Church”,” ani Pope Francis.

Sa datos ng simbahang mahigit isang bilyong katoliko halos kalahating milyon lamang dito ang mga pari na naglilingkod sa iba’t ibang simbahan mundo kaya’t inaasahan ang mga layko sa pangunguna sa pagmimisyon sa komunidad.

Sa Pilipinas aktibo ang iba’t ibang grupo ng mga laykong katuwang ng simbahan sa pagpapatupad ng mga programa sa pamayanan na makatutulong sa pagpapaunlad ng pananampalataya.

Halimbawa nito ang lay chaplain program ng Couples For Christ sa ilang diyosesis sa bansa kung saan layko ang namumuno sa itinalagang mission stations.

Bukod pa rito ang mga programa ng Council of the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na aktibong nakiikilahok sa mga gawain ng simbahang katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 26,250 total views

 26,250 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 34,918 total views

 34,918 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 43,098 total views

 43,098 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 38,812 total views

 38,812 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 50,862 total views

 50,862 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,724 total views

 6,724 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,331 total views

 12,331 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,486 total views

 17,486 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top