Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LASAC, magsasagawa ng DRRM training

SHARE THE TRUTH

 563 total views

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert status ng Taal Volcano mula Alert Level 2 sa Alert Level 1 nitong Lunes dahil sa patuloy na pagbaba ng aktibidad.

Patuloy naman ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission sa pagbabantay at paghahanda kasabay ng patuloy na pagbuti ng kalagayan ng bulkang Taal.

Ayon kay LASAC Director Father Jayson Siapco, binabalak ng komisyon na magsagawa ng mga pagsasanay sa pagtugon sa mga sakuna bilang paghahanda hindi lamang sa kalagayan ng Taal Volcano kundi maging sa iba pang sakuna.

“We have actually made available our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Manual approved by the board. Given the downgraded alert level, now is the perfect time to cascade and conduct DRRM training across all levels with the help of the parishes, academe and local government units,” ayon kay Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Siapco na patuloy din ang pangangalap ng tulong at donasyon ng LASAC, gayundin ang pagsubaybay sa mga proyekto para sa mga nakaligtas na biktima ng pagliligalig ng bulkang Taal.

Kabilang sa mga programa ng LASAC ay ang pagpapatayo ng mga bagong tahanan para sa mga nagsilikas na residente mula sa Taal Volcano Island matapos itong gawing Permanent Danger Zone.

“LASAC and Archdiocese [of Lipa] continues to be ready in any eventual eruptions that may happen…Hindi pa kami tapos at hindi pa tumitigil. May mga rehabilitation plans pa for implementation sa mga relocated survivors,” ayon sa pari.

Magugunitang itinaas sa Alert Level 2 ang Taal Volcano noong Marso 26, 2022 kasunod ng naganap na phreatic eruption.

Nauna rito ay itinaas sa alert level 4 ang bulkan noong Enero 12, 2020 matapos din ang phreatic eruption na nagdulot ng ashfall na umabot hanggang Metro Manila at Bulacan.

Babala naman ng Phivolcs sa publiko na patuloy pa ring maging maingat bagamat nasa alert level 1 status na ang bulkan, dahil posible pa ring maganap ang biglaang pagsabog nito anumang oras.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,283 total views

 107,283 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,058 total views

 115,058 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,238 total views

 123,238 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,226 total views

 138,226 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,169 total views

 142,169 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 375 total views

 375 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 4,269 total views

 4,269 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 6,069 total views

 6,069 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top