Mamamayan, pinaalalahanang ituring na sagrado ang lagda at boto

SHARE THE TRUTH

 34,034 total views

Pinaalalahanan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat isa na ituring na sagrado at mahalaga ang kanilang boto at lagda.

Ito ang panawagan ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na kasalukuyang pinamumunuan ni LAIKO President Xavier Padilla, kaugnay sa kumakalat na signature petition para sa isinusulong na pag-amyenda ng Konstitusyon.

Ayon sa LAIKO, mahalagang maging mapagmatyag at pag-aralan ng bawat isa ang usapin ng isinusulong na Charter Change upang magkaroon ng naaangkop na kaalaman para sa pagdidesisyon para sa bayan

“We encourage our brothers and sisters, the lay people, to be more aware and discerning regarding these moves. And to keep their vote and signature sacred.” Ang bahagi ng pahayag ng SLP.

Samantala, nagpahayag rin ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa pahayag ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo laban sa tahasang pagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Constitutional Assembly kung saan magkakasamang boboto ang mga lahat ng mga mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Paliwanag ng LAIKO, sadyang hindi magiging patas para sa lahat ang isinusulong na pagbubuo ng Constitutional Assembly sapagkat maaaring maisantabi ang mga pro-life at pro-family probition sa Konstitusyon lalo na’t mailang ulit ng isinusulong ng mga Kongresista ang mga anti-life bills sa Kongreso kabilang na ang pagsasabatas ng diborsyo at same sex marriage sa bansa.

“We agree with Bishop Pabillo that the move to have both Houses of Congress vote JOINTLY will adversely affect us. We have seen how a simple majority of the Lower House has tried to pass measures promoting anti-life bills such as divorce and same sex marriage. Having both House vote jointly for amendments to the Constitution, will jeopardize our pro-life and pro-family Constitution.” Dagdag pa ng SLP.

Una ng pinaalalahanan ni Bishop Pabillo ang bawat mamamayan laban sa kumakalat na inisyatibong nagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagitan ng paglagda sa isang petisyon upang bumuo ng isang Constitutional Assembly kung saan maaring mabalewala ang boto ng 24 na mga Senador kumpara sa 315 mga Kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 8,553 total views

 8,553 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 24,104 total views

 24,104 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 37,466 total views

 37,466 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 52,246 total views

 52,246 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 69,635 total views

 69,635 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top