Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga kabataan, hinimok ng Obispo na suriin ang puso at isipan

SHARE THE TRUTH

 597 total views

Hinimok ng Obispo ng Diyosesis ng Malolos ang mga Katolikong kabataang Bulakenyo na suriin ang kanilang puso’t isip bilang paghahanda sa papalapit na pasko ngayong panahon ng adbiyento.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Malolos Bishop Dennis Villarojo kaugnay sa pagsisimula ng Diocesan Youth Day 2020 na pinalawig ng isang linggo ang paggunita sa pamamagitan ng online.

Ayon sa Obispo, ang panahon ng adbiyento ay dapat na gamiting pagkakataon ng lahat lalo na ng mga kabataan upang makapaglinay at masuri ang nilalaman ng kanilang puso bilang paghahanda sa pagdating ng mesiyas.

Pagbabahagi ni Bishop Villarojo, mahalagang suriin kung ano ang mga nilalaman ng puso na nakapagpapabigat lamang at nararapat ng iwan gayundin ang mga nararapat na ibahagi sa kapwa at panatilihin bilang paghahanda sa papalapit na pasko.



“Kayo po mga kabataan don’t think so much of material things na nandyan kundi kung ano ba yung nasa inyong puso na kinakailangan ninyong dalhin sapagkat mahalaga [kung] ano ba yung nasa inyong puso na kailangan niyong iwan sapagkat hindi na nakakatulong at nagpapabigat lamang, ano ba yung nasa inyong puso na gusto niyong ibigay at sino ang inyong pagbibigyan and when we look at these things in our heart dun tayo makakapaghanda [sa pagdating ng Panginoon]…” mensahe ni Bishop Villarojo.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang panahon ng adbiyento ay nangangahulugan ng paghahanda ng bawat isa para sa pagdating ng Panginoon at hinihikayat ang lahat na magbago upang maging karapat-dapat para sa pakikibahagi sa Panginoon.

“Ang pagdating ng ating Panginoon implies paglipat, paglipat galing sa ating kalagayan ngayon doon sa kalagayan na kaaya-aya ng ating Panginoon because He comes to tell us ‘gumising tayo sapagkat pupunta na tayo sa ating patutunguhan’ that is lipatan, lumipat at hindi tayo makakalipat kung hindi natin iisa-isahin ang mga bagay-bagay na ating dadalhin, ating iiwan, ating ipamimigay…” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Nagsimula ngayong ika-6 ng Disyembre ang Diocesan Youth Day 2020 – Online ng Malolos at magtatagal hanggang sa ika-13 ng buwan.

Ayon sa pamunuan ng Diocesan Commission on Youth ng Malolos, dahil sa hindi maaaring gawin ang nakaugaliang paraan ng paggunita ng araw ng mga kabataan ay pinalawig ito ng isang lingo.

Tema ng Diocesan Youth Day 2020 – Online ng Diocese of Malolos ang “Kabataan: Lakas at Pag-asa sa Panahon ng Pandemya” na naglalayong maipamalas ang pag-ibig at pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng mga krisis na dulot ng mga nagdaang kalamidad at ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,852 total views

 42,852 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,333 total views

 80,333 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,328 total views

 112,328 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,067 total views

 157,067 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,013 total views

 180,013 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,265 total views

 7,265 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,859 total views

 17,859 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,266 total views

 7,266 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,341 total views

 61,341 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,929 total views

 38,929 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,868 total views

 45,868 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top