Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal ng PNP na naghain ng courtesy resignation, pinuri ng MOP

SHARE THE TRUTH

 1,626 total views

Pinuri ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagtalima ng mga opisyal ng Philippine National Police – Chaplain Service sa isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, tama ang ginawang hakbang ng mga opisyal ng PNP-Chaplain Service sa pangunguna ni Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo na kusang paghahain ng courtesy resignation.

Ito ay tugon sa panawagan nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rodolfo Azurin bilang unang hakbang sa tuluyang paglinis ng hanay ng PNP mula sa problema ng ilegal na droga.

“Unang-una gusto kong pasalamatan ang Chaplain Service ng Philippine National Police led by Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo sa kanilang isinagawang pagbigay ng kanilang courtesy resignation na hinihingi ng ating DILG Secretary – Secretary (Benhur) Abalos and then sa Chief PNP na si General Azurin. Itong ginawa nila actually is something that is stimulating dahil ito po ay isang paraan upang talagang magkaroon ng internal cleansing.” Pahayag ni Bishop Florencio Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na isang magandang halimbawa ang ginawa ng mga opisyal ng PNP-Chaplain Service upang pamarisan at sundin ng iba pang opisyal ng ahensya.

Paalala ni Bishop Florencio na hindi dapat mangamba ang mga opisyal ng PNP na may malilinis na konsensya at hindi sangkot sa iligal na gawain.

“That’s very good dahil ito po ay isang magandang halimbawa para sa ibang mga officers ng PNP at sabi ko huwag kayong matakot kung ito po ay minsan kakabahan sila pero sabi ko, wala naman kayong dapat ipangamba diyan dahil ito po ay kung very clean ang inyong konsensya at saka walang ginagawa (na may kaugnayan sa illegal na droga) ito po ay isang paraan, makakatulong para sa kalahatan ng kanilang PNP as an organization.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Umaasa naman ang Obispo na maging epektibo ang ginagawang paraan ng pamahalaan upang tuluyan masolusyunan ang problema ng illegal na droga sa loob ng ahensya.

Nagpaabot rin ng pagkilala sa Bishop Florencio sa lahat ng mga opisyal ng PNP na una ng tumalima sa hamong makibahagi sa ginagawang internal cleansing sa kanilang hanay.

“Hopefully itong paraan ay talagang makapagbigay ng solusyon dito sa malalim na problema natin sa ating organization at saka malalim na problema natin with regards to drugs, I’d like to congratulate itong ating mga kapulisan na nagbigay (ng courtesy resignation) lalong lalo na itong Chaplain Service ng Philippine National Police led by Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

Ang PNP-Chaplain Service ay may 9 hanggang 11 mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan at rehiyon sa bansa na naghain ng courtesy resignation.

Sa tala may 956 na mga colonel at general ang PNP na tinatawagang makibahagi sa pagtugon ng problema sa ilegal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,754 total views

 17,754 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,842 total views

 33,842 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,562 total views

 71,562 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,513 total views

 82,513 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,082 total views

 26,082 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 15,258 total views

 15,258 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top