Pasko ng Muling Pagkabuhay: Pagtiyak na tuwinang kasama si Kristo sa ating paglalakbay

SHARE THE TRUTH

 1,839 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na higit na palalimin ang pananampalataya kasabay ng pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Sa Easter Message ni CBCP-Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagkabuhay ni Hesus mula sa kadiliman ay paanyaya sa bawat isa na patuloy na magtiwala sa pangakong hatid ng Panginoon.

“Jesus, on the cross, gave us the assurance that we will never walk alone in our journey. On his triumph against death, he gave us the complete guarantee that beginnings are necessary and possible. We just need to have faith.” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na tinupad na ng Panginoong Hesukristo ang pangakong tutubusin ang sanlibutan mula sa kadiliman at kasalanan tungo sa Liwanag at kapayapaan.

Umaasa ang Obispo na ang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon nawa’y magbunsod sa mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa lipunan.

Gayundin ang pagpapatawad at patuloy na pagsisisi sa mga nagawang kasalanan upang higit na maisakatuparan ang pangakong kapayapaan ni Kristo.

“Get ready to share peace with everyone. Sa bahay, tulungan mo ang iyong mga kapatid sa gawaing-bahay. At work, learn to agree to disagree. On the streets, smile. Share an ounce of joy with anyone. Start your renewed journey with small things, subalit palagi, sapat at tapat.” ayon kay Bishop Bagaforo.

Patuloy na isinusulong ng simbahan ang Synod on Synodality na layunin ng Santo Papa Francisco upang hikayatin ang mga mananampalataya na makibahagi at sama-samang maglakbay bilang iisang simbahan tungo sa landas ni Hesus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 90 total views

 90 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 10,719 total views

 10,719 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 31,742 total views

 31,742 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 50,713 total views

 50,713 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 83,262 total views

 83,262 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top