Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNP chief, ibinahagi ang kakaibang karanasan sa Traslacion 2018

SHARE THE TRUTH

 316 total views

Kinilabutan at kakaibang pakiramdam ang naranasan ni Philippine National Police Director General Ronald Bato Dela Rosa ng kanyang personal na masaksihan ang pagdaan ng andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa kanyang harapan.

Pagbabahagi ni Dela Rosa wala sa kanyang plano na sundan ang prusisyon at masaksihan ng malapitan ang pambihirang pagkakataon sa Traslacion.

Ayon kay General Dela Rosa nagkataon lamang na dumaraan mismo sa ilalim ng Quezon Bridge ang andas ng Poong Hesus Nazareno ng sila ay nasa mismong tulay upang tingnan ang sitwasyon at deployment ng mga nakatalagang PNP sa lugar.

“it was not planned yung movement namin was not planned but nagtataka kami bakit nung pag-hit namin dun sa tulay nandun kaagad sa baba namin yung Nazareno, nandun yung andas so nakakatakot, tumatayo yung balahibo ko timing it was not planned really pero tyansa ko na din ito na bilang devoted Catholic through and through na maka-experience ng ganito and it was indeed a very very unusual experience for me kinilabutan ako…” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa Radyo Veritas.

Kasama ni General Bato Dela Rosa sina National Capital Region Police Office Director Chief Superintendent Oscar Albayalde at Manila Police District Director Joel Napoleon Coronel na nag-iikot sa palibot ng Quiapo Church ng mapadaan sa prusisyon.

Pagbabahagi ni Dela Rosa, kahanga-hanga ang naturang debosyon ng mga deboto na makikita ang tindi ng pagsisikap na makahawak sa lubid ng Andas sa kabila ng siksikan at dami ng tao sa lugar.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Dela Rosa ang kanyang naging hiling at panalangin na naibulong sa pagdaan ng Poong Hesus Nazareno na tuluyang matapos na ang problema ng bansa sa ilegal na droga upang tuluyan ng makamit ng bayan ang kalayaan mula sa masamang epekto nito.

“yung nasa utak ko palagi n asana matapos na yung drug-problem ng Pilipinas yun ang palaging wish ko na sana matapos na yung problema at lahat tayong Filipino magtutulungan na matapos na ang problamang ito…” Pagbabahagi ni Dela Rosa.

Samantala, ibinahagi rin ng mga opisyal nga ng PNP ang naging mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Quiapo Church upang mas maging organisado at mapayapa ang Traslacion ngayong taong 2018.

Nagpaabot rin ng paumanhin ang PNP sa lahat ng mga naapektuhan ng ipinatupad na signal jamming sa malaking bahagi ng Maynila at mga karatig lungsod dahil sa maaring perwisyong naidulot nito sa paraan ng kumunikasyon ng mga mamamayan na isa sa mga isinagawang preemptive security measures ng mga otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mananampalataya.

Batay sa tala sa kabila ng maagang pagsisimula ng Traslacion at ilang mga pagbabagong ipinatupad ngayong taon ay umabot pa rin ng 22-oras bago muling nakabalik sa Quiapo Church ang imahen ng Poong Hesus Nazareno.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,367 total views

 42,367 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,848 total views

 79,847 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,842 total views

 111,842 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,586 total views

 156,586 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,532 total views

 179,532 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,797 total views

 6,797 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,417 total views

 17,417 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,798 total views

 6,798 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,284 total views

 61,284 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,872 total views

 38,872 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,811 total views

 45,811 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top