172 total views
Maaapektuhan ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP – ECMI) ang ipinapadalang remittances ng mga overseas Filipino woker o OFW sa kontrobersyal na $81 milyong na money laundering scheme sa Philippine banking system na naipuslit patungo sa mga casino sa bansa.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, madadamay sa naturang kontrobersyal ang ipinapadalang pera ng mga OFW sa kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas.
Ito aniya ay dahil magkakaroon na lamang ng limistasyon ang perang kanilang ipapadala kasunod na rin ng pagtataas ng remittance fee.
“Mapapahamak naman dito, mapapasama naman ay ang ating mga OFW na kung saan mahihirapan sila sa pagre – remit ng kanilang kinikita sa pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Alam naman natin na kung saan mahigpit na ang pagre – remit na kung saan may limit na ang perang kanilang ipinapadala. Maraming limitasyon at tataas na naman ang mga fee sa pagpapadala ng pera,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Panawagan rin ng obispo sa mga banko na maging aral ito sa kanila na maging transparent upang maiwasan na madumihan ang imahen ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
“Sasama rin ang mukha ng Pilipinas na pinapayagan natin na tayo ay maging tapunan o maging daan ng hacking at pinanggagalingan ng dirty money. At dahil baka tayo ay ma – black listed sa financial assistance ng mga banko sa ibang bansa. Kawawa naman ang ating Pilipinong manggagawa. Ito ngang nangyari sa $1 million US dollars na na-hacked, na-stolen ay isang malaking dagok sa mukha ng Pilipinas. Dapat yung mga taong iyon sa banko, sa remittance, na sila mismo ang gumawa ng paraan mai–restore to prevent what happened before,” giiy pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014 $24 bilyon dolyar ang kontribusyon ng nasa 11 milyong OFW, pangalawa lang ang Business Processing Outsource (BPO) o sektor ng call center na nakapagpapasok naman ng $18 bilyong.
Magugunita naman ang huling pagbaba ng OFW remittance ay naitala noon pang April 2003.
Nabatid na batay sa taya ng Blas Ople Policy Center umabot na sa 17 mga bansa at teritoryo sa mundo ang nagsarang bank accounts ng mga remittance companies ng Pilipinas.
Tinukoy rin ng grupo na ang New Zealand kung saan halos 5 beses aniya ang itinaas ng binabayaran ng mga OFW’s sa pag-reremit ng pera sa Pilipinas matapos isara ang bank accounts ng mga remittance centers ng Pilipinas.